Chapter 46

9.3K 220 16
                                    

"Alright guys, sinong next na may isusuggest na kantahin natin for the battle of the bands?" Announce ni Cy habang bumababa sa mini stage sina Jema at Deanna.

Agad namang may mga kaclub silang tumayo at nagset up sa stage.

Pinaupo naman ni Deanna si Jema sa seat nya na katabi si Ponggay. Hinawakan nya ang kamay ni Jema and gently squeezed it.

Di naman napansin ni Deanna si Jia kung hindi pa nito tinapik si Jema sa likod. Ngumiti naman si Deanna kay Jia and she smiled back naman. Umupo si Jia sa likod ni Jema. Maya maya pa ay lumapit din si Cy at inakbayan si Jema.

"Okay ka lang Jems?" Tanong ni Cy.

Tumango lang si Jema.

"Galing mo kumanta eh tsaka ramdam na ramdam lang yung kanta." Patuloy ni Cy.

Binaling naman ni Cy ang attention kay Deanna.

"So Deanns, may naisip ka na bang song?" Tanong ni Cy.

"Ahm, meron naman. Tsaka wait, need pala kita to help me out with my project." Sabi ni Deanna.

"Sure! Bukas ng lunch?" Cy asked.

"Sige, I'll see you here?" Deanna responded.

Tumango naman si Cy and slightly squeezed Jema's arm before letting her go and moved sa center ng room to facilitate the club session.

Napansin naman ni Deanna ang gesture na yun ni Cy pero hinayaan lang nya. Umupo lang siya sa tabi ni Jema at nakinig sa mga nagpeperform. Magkahawak pa din ang kamay nila.

After 2 songs ay tumayo uli si Cy and said, "Thanks for the entries guys, well last na si Deanna. Go Deanns!" 

Binaling ni Deanna ang tingin kay Jema at ngumiti ito at pumunta na sa mini stage. Kinuha nya ang gitara, sinukbit sa balikat ang strap at nagtono ng gitara.

"So may naiisip na akong song, but I like this better kaya ito na lang. I think kasi we can make a better arrangement to make it a bit of alternative rock. Though I'll sing it in simple version lang." Sabi ni Deanna sa lahat.

Sinimulan na ni Deanna ipluck ang strings ng gitara at nagproduce ito ng magandang tunog na sinundan naman nyang kantahin ang lyrics ng kanta.

Nakatitig si Deanna kay Jema habang kumakanta.

Oh, Love of my life destined forever I will be right here by your side
No falling tears when we're together You know the joy you bring to me

Napapikit naman si Deanna habang kinakanta ang sunod na stanza.

There'll be no other we'll share as lovers
Right from the heart,
From my mind to your soul I will give it to you girl,
My every little thing
That I'm more than willing I will give to you

Nagkatitigan uli si Jema ng kantahin ni Deanna ang chorus.

Forever starts from now I promise you Loving you is all that I can do
No one can take it away from me Nobody but you

Tumigil si Deanna sa pagtugtog.

"Sorry guys, it just felt so right to sing the song. Anyway, I'll play the drums naman so whatever the group decides on, we'll play it na lang." Deanna said then bumaba na sya sa stage.

Napansin naman ni Deanna na di pa din maalis ni Jema ang tingin sa kanya kaya lumapit ito dito.

"Hindi talaga ako magaling kumanta eh!" Sabi ni Deanna kina Jema, Ponggay at Jia.

My FirstWhere stories live. Discover now