Chapter 24

10.7K 222 38
                                    

Daling umakyat si Deanna sa kwarto para maihanda ang mga gamit para sa practice nila.

Mahalaga ang practice na to para sa nalalapit na tune-up game nila at excited din sya sa matutunan nya.

I need to make sure I do good. I want us to win our first game na kasama ako. Isip ni Deanna while papunta sa room ng biglang may mabanga ito.

"Ohhhh sooorryy!" Sigaw ni Deanna at agad na tinulungan si Maddie na tumayo.

"Nahulog ka na ata kay Deanna!" Sigaw ni Bea.

Napatingin naman si Deanna at Maddie kay Bea.

"Mag-ingat ka kasi!" Sabi ni Bea habang lumalapit kay Maddie.

"Here, eat this bago ang training natin." Sabi ni Bea habang inabot kay Maddie ang isang power bar.

Nakatingin lang si Deanna sa dalawa.

"Thanks!" yun lang nasabi ni Maddie kay Bea pero napangiti ito.

"Beeiii!" Tawag naman ni Jho kay Bea habang tumatakbo ito papalapit sa kanila.

"Ohh ano na naman ba?!" Sarkastikong tanong ni Bea kay Jho ng makalapit ito.

"Sungit mo! Sabay ako sayo papunta sa Gym." Sagot ni Jho.

Nagmake face si Bea at daling inabot kay Jho ang bag nya, at sinabing, "Oh dalin mo na yan sa kotse, sunod na ako!"

"Ang bigat naman!" Reklamo ni Jho.

"Eh sasabay ka diba? Gooo!!!" Sagot ni Bea.

Wala namang nagawa si Jho kundi kunin ang bag ni Bea at naglakad palabas ng dorm.

Lumingon naman si Bea kay Maddie, "Ikaw Madds, sabay ka na din?" Malambing na tanong nito.

"Sabay na kami ni Deanns." Sagot nito.

"Kunin ko lang gamit ko sa kwarto ate Madds." Paalam ni Deanna at agad itong umalis.

Naiwan naman si Maddie at Bea na nag-uusap sa common room.

Muntik na ako don. Ang weird nilang 3. Isip ni Deanna habang papasok ng kwarto.

"Hey Deanns! Una na ako ahhh sabay ako kina Jules, may dadaanan lang kami bago pumunta sa Gym. Bye!" Sabi ni Ponggay habang bumeso at tuluyang lumabas na sa kwarto nila.

Napatango lang si Deanna. Agad din nyang kinuha ang susuotin nya for the practice at pumasok sa restroom to change clothes.

After few minutes lumabas si Deanna mula sa bathroom at kinuha ang bag nya. Napansin naman nya ang isang paper bag na nasa table. Lumapit sya dito at nakita na may nakastapler na papel kaya agad nyang binuksan at binasa.

Hindi ko to napansin kanina.

Hi D,

Good luck sa practice mamaya. Sana suot mo to sa game nyo against MC. I'll always cheer for you.

Your #1 Fan,

#15

Napangiti si Deanna.

Sino ka ba talaga #15? Iniisip nya habang binuksan ang paper bag.

Nilabas nya ang laman nito at nakita nya ang isang Nike na dry fit shirt.

Nice naman! Blue pa, favorite color ko... Yeah, I'll wear this for sure. Iniisip ni Deanna habang nakangiti.

Daling nilagay ni Deanna ang shirt sa damitan nya at lumabas na ng kwarto.

My FirstOnde as histórias ganham vida. Descobre agora