Chapter 34

10.9K 227 28
                                    

"Ang bagal mo naman maglakad Deanns!" Saway ni Ponggay sa kaibigan.

Naguguluhan kasi talaga ako. Pilitin ko mang hindi isipin pero hindi ko talaga kaya. Isip ni Deanna habang malapit na sila sa cafeteria.

"Nakita ko na mga friends ni Jema!" Sigaw ni Ponggay habang kumakaway kina Mylene at Joy.

Ngumiti naman ang dalawa sakanila at ng makalapit sila ay agad na bumeso si Ponggay sa dalawa habang nag Hi lang si Deanna at matipid na ngumiti.

"Okay ka lang Deanns?" Tanong ni Joy.

Tumango lang si Deanna.

"Asan pala si Jema?" Tanong ni Ponggay.

"Bumili sila ng food ni Cy." Sagot ni Mylene.

Napatingin naman agad si Deanna kay Mylene.

"Upo muna kayo." Aya ni Joy.

Sabay naman umupo si Ponggay at Deanna sa harap nina Mylene at Joy.

"Kamusta Deanns?" Tanong ni Joy.

"Okay naman." Nakangiting sagot ni Deanna.

"Manonood kami ng practice nyo with Denden ha?" Excited naman na sabi ni Mylene.

"Naku idol kasi nitong si Mylene si Denden eh!" sabi ni Joy.

"Eh ang tagal na din kasi tayong hindi nakapaghang out nila Denden eh. Si Jema kasi eh umalis pa eh." Sabi ni Mylene.

"Umalis?" Tanong ni Deanna.

Halatang siniko ni Joy si Mylene at biglang sabi, "Ay! Andito na food!"

Napatigin naman sina Deanna at Ponggay sa kung saan nakatingin si Joy.

Nakita ni Deanna na magkasama nga si Jema at Cy na may dalang food. Nang magkatagpo naman ang mata ni Deanna at Jema ay napangiti naman silang pareho.

"Hi!" Bati ni Jema kay Deanna at tumabi itong umupo sa kanya at sa harap naman nila umupo si Cy.

Nginitian lang ni Deanna si Jema.

"Hello Deanns! Kamusta?" Bati naman ni Cy.

"Okay lang." Sagot ni Deanna.

"Tara kain na tayo." Aya naman ni Jema habang pinagtulungan nilang ihain ang mga dalang pagkain. Inasikaso naman ni Jema ang food ni Deanna.

Ganito ka ba talaga kaasikaso Jema? Isip ni Deanna habang abala si Jema.

After nilang magdasal ay nagsimula na silang kumain.

"Sarap naman nito. Thanks sa libreng lunch Jema!" Masayang sabi Ponggay.

"No worries Pongs!" Sagot naman ni Jema.

"Bakit ka nga pala may pafree lunch?" Tanong ni Ponggay.

"Nakascore kasi yan!" pabirong sabi ni Mylene.

"Masaya lang ako. Tsaka itong si Cy ay gusto ka sanang makausap Deanns." Biglang sabi ni Jema.

Natigilan naman si Deanna at unang tumingin kay Jema bago binaling ang tingin kay Cy.

"Ahh Deanns, kasi ano eh.." Nahihiyang sabi ni Cy.

"We've heard na you know how to play the drums and the guitar. We need one bandmate kasi dahil sunod sunod ang event dito sa school and at the same time, first time ng school na sasali sa isang battle of the band." Kwento ni Cy.

My FirstWhere stories live. Discover now