Chapter 18

10.9K 213 17
                                    

Napapangiti si Deanna habang tumaktabo dahil naaalala nya ang bawat sandali na nakasama nya si Jema kanina.

Ang ganda nya and ang sweet pa.

Sa unang pagdaan sa may bleachers, hindi mapigilan na tanawin ni Deanna si Jema.

Nahuli naman sya nitong nakatingin kaya binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Oh no, ano ba tong nangyayari sa akin.

Pilit mang itago ni Deanna pero halata syang excited sa muling pag-ikot sa oval.

Nakita nya uli si Jema pero this time busy ito dahil may kausap sa telepono.

Napataas ang kilay ni Deanna.

Sino kayang kausap nya? Ang aga naman.
Oh selos ka? Hindi ahh, bakit naman ako magseselos.
Aba eh, bakit nabad mood ka ng makita mong may kausap sa telepono?!
Hindi nga!

"Last round guys!" Sabi ni Aly.

After ng last round bumalik na sila kung nasaan ang mga gamit nila.

"Guys, you can all go! I'll see you later sa afternoon practice with the coaches. Good work today!" Sabi ni Aly bago dinismiss ang mga kasama.

Agad namang pumunta si Deanna kung nasan ang bag nya.

Bakit nawala sya bigla, hindi man lang nagpaalam? Ay, bakit ka nagexpect, sino ka ba? Ano ba kayo?

"Deanns! Tara na sabay uli tayo ke ate Maddie, gutom na kasi ako eh." Sabi ni Ponggay.

"Deanns? Pongs? Intayin ko kayo sa parking." Sabi naman ni Maddie.

Tumango lang si Deanna pero halatang malungkot ito.

Napansin naman ni Deanna yung sports bottle na inabot ni Jema sa kanya kanina na nakalagay sa gilid ng bag nya.

Bigla itong napangiti tsaka inabot at binasa ang note.

Hi DW,

Inom ka pa water and when you get back sa dorm. Sorry hindi na ako nakapagpaalam ng maayos, may need kasi ako asikasuhin para sa club namin.

I'll see you very soon.

JG


"Wow sobrang saya ba? Yung ngiti mo abot tenga Wong!" Asar ni Ponggay.

Bahagyan natawa si Deanna at uminom na lang ng tubig.

"Tara na, hinihintay na tayo ni ate Maddie." Aya ni Deanna kay Ponggay after uminom.

Sinukbit ni Deanna and bag sa balikat at naglakad na sila ni Ponggay palabas ng oval.

Agad namang silang pumasok sa kotse ni Maddie.

"Ready guys?" Tanong ni Maddie.

"Yes po ate Mads." Sagot ni Deanna.

Umalis na sila sa parking lot at dumiretso sa dorm.

"Kat will cook breakfast for everyone daw. Make sure to get ready agad para sabay sabay daw tayo kumain sabi ni ate Ly." Sabi Maddie.

"Ayos! Sarap pa naman magluto ni Kat." Masayang sabi ni Ponggay.


"We're here!" Sabi ni Maddie after magpark.

Agad naman sila bumaba sa kotse at pumasok sa dorm.

"Deanns? Una ka na maligo. Susunod na lang ako sayo." Sabi in Ponggay ng marating nila ang common room.

Tumango lang si Deanna at pumasok na sa kwarto.

My FirstWhere stories live. Discover now