Chapter 51

9K 252 40
                                    

"Tara na Deanns!" Aya ni Ponggay after ng klase nila.

Agad namang tinago ni Deanna ang libro sa bag at sumunod kay Ponggay palabas ng classroom.

Habang naglalakad sila papuntang cafeteria ay may tumawag kay Deanna.

"Deanna! Deanna Wong!" Tawag ni Cy.

Agad na lumingon si Deann at huminto sa paglalakad. Nilapitan naman sya agad ni Cy.

"Good luck sa game mamaya! Nga pala bukas na lang natin pag usapan yung project mo?" Sabi ni Cy.

"Oo nga pala, naku muntik ko ng makalimutan. Sorry pala di ako nakasipot sa usapan, pero bukas talaga pupunta na ako sa Music room." Sagot ni Deanna.

"Alright! Cge na, baka malate kayo.." Paalam ni Cy.

Kumaway lang si Deanna at ngumiti naman si Ponggay sa lalaki bago sila naglakad papalayo.

"Deanns? Naisip ko lang..." Sabi ni Ponggay habang naglalakad sila.

"Ano?" Deanna replied.

"Eh kung kay Jema ka na lang magpatulong? At least nasa dorm na sya, easy pa." Ponggay suggested.

"Kaso nakakahiya naman kay Cy kasi nasabi ko na sakanya na siya hihingan ko ng tulong eh..." Deanna responded.

"Eh di sabihin mong si Jema na lang.. I'm sure he'll understand.. Mukha namang mabait si Cy eh..." Ponggay said.

"Pag-isipan ko na lang muna. For now, focus muna tayo sa first game natin. Pero sa totoo lang gutom na ako kaya tara kain muna." Deanna said while rubbing her tummy.


Pagkarating ng magkaibigan sa cafeteria ay agad silang bumili ng food at kumain.

"Deanns... Dahan dahan lang, may game tayo mamaya, mahirap kumilos pag sobrang busog." Paalala ni Ponggay.

Deanna nodded and responded with a grin.

After kumain ay niyaya agad ni Ponggay si Deanna na umuwi sa dorm ng makapag prepare para sa game nila.

Pagkapasok nila sa kwarto ay agad na nag ayos si Ponggay. Habang naglalagay ng gamit sa bag ay may napansin si Deanna na box sa ibabaw ng table nya.

Kinuha naman nya ang note na nasa ibabaw nito.


Deanna Wong,

Good luck on your first game. I know it'll fit you well.


Your #1 fan,

15


Nagtaka si Deanna kung anong nasa loob ng box kaya binuksan nya agad ito. Tumambad sa kanya ang isang pair ng bagong Nike shoes na black and white.

"Ang ganda naman!" Pagkasabi nito ay agad nyan sinuot ang sapatos.

"Perfect fit! Alam ng number 1 fan ko size 10 ako...." Deanna said.

"Oy ano naman yan? Oyyy, ganda ng bagong shoes ahhh. Saan mo nabili?" Tanong ni Ponggay na kakalabas lang galing sa bathroom.

Ngumiti lang si Deanna at inabot kay Ponggay ang note habang nilakad lakad nya ang sapatos.

"Ay iba ka din Deanna Wong! Grabe yang fan mo ahhh. Sana all!" Natatawang sabi ni Ponggay.

"Ang ganda Pongs and comfy sya. I'll use it mamaya sa game." Sabi ni Deanna habang inaayos ito at nilagay sa bag nya.

"Tara na!" Aya ni Ponggay.

My FirstWhere stories live. Discover now