Chapter 3

15.6K 215 1
                                    

"Deanna! Wake up. We're here na." Sabi ni Ponggay habang ginigising si Deanna.

Minulat naman ni Deanna ang mata at tumango kay Ponggay.

"Naku nakatulog pala ako." Sabi ni Deanna at lumabas na sa kotse.

"Tara, papakilala kita kina mama." Aya ni Ponggay.

Pumasok na sila sa bahay.

"Anak!" Masayang salubong ng mama ni Ponggay sabay yakap sa anak.

"Kamusta ang first day ha?" tanong nito sa anak.

"It's fine mom. Muntik na nga kaming malate eh." Kwento ni Ponggay.

"Nga pala ma, meet my friend, Deanna Wong. Magiging teammate ko yan." dagdag ni Ponggay.

"Hi po Ma'am." sabi ni Deanna at inabot ang kamay sa matanda.

"Naku ija. Tita na lang." sabay yakap sa bagong kaibigan ng anak nito.

"Tamang tama, nagluto ako ng favorite ni Ponggay." Aya nito sa dining.

"Great mom! Mukang madami akong makakain." Tumawang sabi ni Ponggay.

Sumunod naman si Deanna sa mag-ina.

Nakakatuwa naman silang mag-ina. I suddenly missed my mom.

Umupo na sila sa dining at naghain na ang mama ni Ponggay. Nameet din ni Deanna ang dad ng kaibigan.

Masaya silang kumain at nagkwentuhan about sa sports. Nakwento kasi ni Deanna na nagbasketball din sya bago sya naglaro ng volleyball.

Pagkatapos kumain inaya ni Ponggay si Deanna na tumambay sa kwarto niya para manood ng movie.

Pinagluto naman sila ng popcorn ng mama nito kaya kain sila ng kain habang nanonood.

Nagpaalam naman ang parents ni Ponggay na may pupuntahan at gabi na sila makakauwi.

After ng movie nagpaalam si Deanna kay Ponggay na uuwi na sya.

"Pongs, uwi na ako gabi na eh." Paalam ni Deanna.

"Naku Deanna! Hindi ka naman taga manila eh, baka mawala ka pa konsensya ko pa. Baka mawalan pa kami ng isang magaling na setter. Pano ako papalo sa court pag wala ka." Drama nito sa kaibigan.

"Hindi mo pa nga ako nakikitang maglaro. Magaling na agad na setter." Sabi ni Deanna.

"Alam ko lang na magaling ka. You won't come here all the way from Cebu if you're not that talented." Paliwanag ni Ponggay.

Nangiti lang si Deanna.

"Pero seryoso, sabay na lang tayo pumasok bukas." Habol ni Ponggay.

Nag-iisip si Deanna.

"Naku Wong, wag ka na mag-isip. Wala kang choice. Delikado magcab. Maaga tayo papasok bukas para makapagexcuse na din sa class." Sabi ni Ponggay.

"Okay." ito na lang nasabi ni Deanna.

Buti na lang may dala akong damit dahil akala ko may try-out kanina. Since maaga kami papasok makakapaghanda pa ako. Medyo hindi din ako comportableng magcommute.

May kumatok sa pinto ni Ponggay.

"Pongs and Deans, baba na. Dinner na tayo." sigaw ng ate ni Ponggay.

Sabay naman bumaba ang magkaibigan.

"Good luck pala sa try-out nyo bukas ahh. Basta bigay nyo best nyo, I'll be there to watch you guys." sabi ni Therese habang kumakain sila.

"Thanks ate." magalang na sabi ni Deanna.

Nagkwentuhan pa sila about sa mga current players ng Ateneo Volleyball. Since bago pa lang si Therese, madalas ang nakwekwento nya sila Bea at Maddie.

"Papakilala ko sila sa inyo bukas, for sure makakasundo nyo sila." sabi ni Therese.

Pagkatapos kumain, tinulungan magligpit ng mesa ni Deanna si Ponggay. Umakyat naman sila agad pagkatapos.

Nagkwentuhan pa sila ni Ponggay until nag-aya na si Deanna na matulog.

"Good night Pongs. Thank you. I had a great first day here in Manila."

At nakatulog na sila.

My FirstWhere stories live. Discover now