Epilogue (Last Part)

47 1 0
                                    

"Let's all welcome...Aigen Cheng, the main vocalist of Muse-ic!"

Pangatlo si Gen sa magpeperform mag-isa. Napakagaling na dancer nga ni Dallarin, at sobrang dami na niyang fans na dumalo. 'Yong visual nilang si Lily naman, she sang while playing a guitar. She also has this soft vocal, bumagay sa mukha niyang parang angelic, pero may mga times na deep ang voice niya and it makes it more powerful.

"AAHHHHH! PINSAN KO 'YAN!" sigaw ni Misty. Kaunti lang ang nag-cheer sa kaniya at kasama kaming dalawa ni Misty don.

Bumungisngis ako nang sumigaw muli si Misty. Napatingin ako kay Gray and he patted my head.

🎶 Umuwi nang tila ba
Lahat nagbago na 🎶

Her voice was so soothing to the point that no one actually made a noise. This right here proved why she is the main vocalist of the group.

🎶 Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata 🎶

Gray moved closer to me and then hugged me. It felt as if we were the only ones there and Gen is singing only for us. It felt comfortable. It felt like I was suddenly with him, that we're suddenly together.

"Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi," he sang along into my ears. "Kahit na magdamag na tayong magkatabi."

He only whispered the last line on my ears and it made me feel shivers. Why was he singing for me? Kaya hindi siya kumakanta in public ay dahil gusto niyang si Lisa lang ang kakantahan niya, diba?

🎶 Binibilang ang hakbang
Hanggang wala ka na 🎶

🎶 Nagbabakasakaling
Lilingon ka pa 🎶

Ang ganda ng pagkakakanta niya, napaka soothing sa pakiramdam pero bakit parang ang sakit? Parang sobrang nasasaktan ang nagmamay-ari ng boses?

Pero...imposible.... Bakit naman masasaktan si Gen?

Baka nadala lang ng kanta...

🎶 Hindi na ba mababalik ang mga sandali?
Mga panahong may lalim pa ang 'yong ngiti 🎶

Nakagat ko ang ibabang labi nang lumabas sa aking isipan ang maaaring maging ako sa susunod. Paano kapag napunta muli si Gray kay Lisa? Saktong-sakto ang lyrics para sa naiisip ko ngayon.

"Don't overthink, Phoebe."

🎶 Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang...umalis 🎶

🎶 Umalis.... 🎶

Lahat ng tao ay pumalakpak nang matapos siya. May ilan akong naririnig na bakit daw ngayon lang nila narinig kumanta ang babae. Napangiti ako nang makakuha ng maraming positive comments ang performance niya.

Sumayaw naman tulad ni Dalla ang huling miyembro nilang nagperform.

Nagperform ulit sila sa pahuling performance nang magkakasama. And right there I knew that they're better along with a group than an individual idol.

Napakaswerte ni Gen na nakasama siya sa grupong 'to. Napakaswerte ng Muse-ic kasi ito lang ang grupong may Aigen Cheng.

They all fit perfectly with each other.

What Makes Phoebe DifferentWhere stories live. Discover now