Epilogue (Part 1)

40 0 0
                                    

Phoebe's Point of View

"Hanggang kailan ka ba magtatago, ate?"

Bahagyang binilisan ko ang lakad. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon. Gusto kong itanong kaso nga lang ay parang wala ako sa lugar para gawin 'yon.

"Puntahan ko lang ang booth nina Misty," pagpapaalam ko kay Polly. Mayroon kasi siyang sariling booth, kaya doon siya pupunta.

"Sige ate. Kita nalang tayo mamaya," sabi niya, pinatutungkulan ang performance nina Gen.

Tumango ako.

Habang naglalakad ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Hindi na ako nagulat nang makitang si Michael ang nagtext, niyayaya na akong pumunta sa booth nila nina Misty. Nagreply naman agad akong papunta na ako.

Magkaibigan at magkaklase sina Michael at Misty. At sa lahat ng kaibigan niyang pinakilala sakin, si Michael 'yong parang close ko talaga kung makipag-usap sakin.

Tinanong ko si Misty kung may gusto siya kay Michael kasi marami naman 'yon kung magkagusto pero sabi niya ay magkaibigan lang daw talaga sila, which I find so weird kasi laging may pasamang "gwapo yan, medyo type ko" ang patagong pagpapakilala niya sakin ng mga kaibigan niyang lalaki. Pero with Michael, friends lang talaga ang pakilala niya.

Nakarating ako kaagad sa booth nila. Hindi ko alam ang eksaktong tawag pero parang nagtitimpla sila ng kape tapos may mga libro kang pwedeng hiramin. Nagtaka ako kung bakit maraming tao eh to be totally honest, medyo boring ang naisip nila.

Naglakbay ang tingin ko sa kabuuan nang may marinig akong pag-strum ng gitara. Hinanap iyon ng mata ko pero noong kumanta na ang tumutugtog, natukoy ko agad kung sino 'yon.

"Welcome sa CBM!" biglang sumulpot si Misty sa harapan ko. "Kung saan kami ay nag-ooffer ng coffee, books and music from our very talented guest, Timothy Deñas!"

Marahan akong natawa. "At maaari mo bang ipaliwanag kung paano mo napapayag ang isang Timothy Deñas dito sa CBM kuno mo?"

Napahalakhak siya. Bakit parang tuwang-tuwa naman ang babaeng 'to?

"Umupo ka na Phoebe, kanina pa ako kinukulit ni Michael kung nasaan ka na raw," aniya.

Ang loka talaga, ni hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Mas nagmasid pa ako sa paligid. Nandito kaya si Gray? Kasi imposible namang si Timothy lang ang inaya ni Misty rito. Malamang na hindi rin naman papayag 'tong si Timothy kung siya nga lang ang inaya ng napakagaling kong pinsan.

"Kanina pa kitang hinihintay," biglang salubong sakin ni Michael habang nakangiti.

Hindi ko alam kung nagpaparamdam ba siyang may gusto siya sakin kasi pangalawang beses palang naman namin 'tong nagkita. Pero, parang hindi rin naman kasi medyo mas lumalapit siya kay Misty kung minsan, at mas komportable siya sa pinsan ko. Ship ko na nga sana sila kung hindi ko lang ship si Terrence kay Misty hahahahaha.

"Sabi na kasing hindi na available 'yan," agad pumagitna samin si Misty.

"Oh, selos ka naman agad babe," ani Michael at inakbayan pa ang pinsan ko kaya naman nanlaki agad ang mga mata ko. Sila ba?

"Wag mo nga akong akbayan, andito boyfriend ko!" reklamo naman ni Misty kaya naguluhan ako. Sinong boyfriend ba talaga?

"Napaka-GGSS mo talaga," natatawa nitong sabi. May binulong pa 'to rito na mas tinawanan lang ni Misty.

What Makes Phoebe DifferentWhere stories live. Discover now