- 41 -

31 1 0
                                    

"Hi, I'm Gray," sabi nito sa kapatid ni Phoebe. "Happy birthday."

Tinanguan siya ni Polly. "Thank you, kuya."

Gray bit his lip to stop himself from smiling. Nakilala na niya ang kapatid ni Phoebe at tinawag pa siya nitong kuya.

"Halatang kinikilig ah," bulong ni Terrence sa kaibigan. Gray glared at him but the latter only smiled at Polly. "Hey there, young woman. Happy birthday!" masigla nitong bati. "I like your eyeglasses by the way."

Ngumiti ng tipid si Polly. "Salamat po. Pasok kayo."

Kaunti lang ang dumalo kasi kaunti lang din naman ang niyaya nila. Wala masyadong fan ng banda nila ang dumalo. At kung meron man, nginingitian lang sila tapos kinikilig nang patago.

"Nasaan si Phoebe?" tanong ni Gray habang iniikot ang paningin.

"Nag-aasikaso po ng mga bisita sa loob ng bahay," sabi nito. "Nandito rin po kasi ang iba naming kamag-anak."

Napatango nalang si Gray. Simple lang ang party ni Polly dahil hindi rin naman niya gustong mag celebrate. This was all Phoebe's idea. She wanted her sister to have a little fun.

"Tawagin ko lang po siya," Polly excused herself. Agad tumango si Gray at ang mga kasama.

...........................

"Uy, you came!" Gray heard a familiar voice.

Ngumiti nang malapad si Misty sa kanila. Nginitian din siya ni Gray at Terrence habang kanina pang nasa cellphone ang isa pang kaibigan na si Tim. Nawala naman ang ngiti ni Gray nang makita ang isang lalaki na nakasunod sa dalaga.

"Oh, they are the band that you're always talking about," Charlie said in realization. Nginitian niya ang banda kaya ngumiti pabalik si Terry habang nawala naman ang mood ni Gray.

"Oo, sila nga," Misty said while laughing awkwardly.

"Ito 'yong crush mo diba?" turo pa ni Charlie kay Gray pero agad napailing. "Oh wait, no. Sabi mo nga pala kay Phoebe na siya at 'yong isa nalang ang paborito mo," ngiting sabi nito. "Siya yata 'yon," turo ni Charlie kay Terrence.

"Crush mo ko?" natatawang tanong ni Terry kay Misty.

"Oo. Kaya i-crush back mo ko," aniya at tumawa. "Joke lang. Mahilig ka nga pala sa mga nakasalamin."

Natigilan si Terrence. "Wait how did you-----"

"Gray!"

Agad silang napalingon kay Phoebe nang tinawag nito ang binata.

Gray watched her walk towards them in awe. She's wearing a simple dress just like Polly, but it was elegant.

Tumabi si Misty kay Timothy habang nakasimangot.

"Buti pa 'tong si Timothy," sabi nito dahil pati si Terrence at Charlie ay napatunganga kay Phoebe nang makita ito samantalang tutok naman si Timothy sa phone niya. "Ang kaso nga lang, baka mapakasalan na ni Tim 'yong cellphone niya."

Natawa silang lahat sa sinabi ni Misty maliban kay Timothy.

What Makes Phoebe DifferentWhere stories live. Discover now