- 43 -

22 1 0
                                    

"Horror film?" hindi makapaniwalang saad ni Gray sa dalaga. "Seriously?"

"Yan ang showing eh," pagdadahilan ni Phoebe. "And besides, I'm not like the other women who don't like horror. It's okay with me although I'm not a big fan of it either."

"It was just weird na ito ang una nating----" he stopped after realizing what he was about to say.

Geez, bakit ko naman naisip na date 'to?! sigaw niya sa sariling isip.

"Sabagay," biglang saad ni Phoebe. "Pero okay rin naman ah? First movie natin together ay something na nakaka-thrill?"

Napatango si Gray, hindi pinahahalatang date ang turing niya sa tagpong iyon. Pero na-curious din siya kung hindi ba tinuring ng babae na date 'yon.

"Anyway," Gray trailed. "Why are you wearing sunglasses?" tanong nito dahil ang weird ng ayos ngayon ng babae. Bumalik kasi ito sa bahay kanina dahil may kukunin lang. May dala pa pala siyang jacket na mahaba. Ni hindi mo nga makikitang si Phoebe ito e.

"Ano ka ba?" tanong ni Phoebe na parang ang obvious obvious naman ng sagot sa tanong ni Gray. "Para di tayo maissue."

Napasimangot si Gray. "Ayaw mong maissue sakin?"

"Para sa kapakanan mo 'to," ani Phoebe na inayos pa ang pagkakasuot ng sunglasses. "Besides, napakadaling malaman na ikaw yan. Atleast hanggang curiosity nalang sila pagdating sa infos about me."

Natawa si Gray. Sa kaloob-looban nito ay napapailing na siya dahil makikilala rin naman siya ng mga tao lalo na kapag nanligaw ito sa kaniya.

Napangiti si Gray sa iniisip.

"Anong mukha yan?" tanong ni Phoebe. "Para kang nanonood sa mga anak mo sa panaginip kung makatulala ka," she added.

"Mukha ba kitang anak?"

"Eew!" sabi ng babae. "Atsaka kung anak mo ko, bakit ganito mukha ko? Di ako nagmana sa tatay, ganon?"

Natawa si Gray. "Napakabatang mag-isip mo talaga."

"I know right!" natatawa na ring sabi ni Phoebe.

"But you're beautiful so don't question your facial features."

Nginitian siya ni Phoebe. "Thank you!"

................................................

Grabe tinulugan ako, reklamo ni Phoebe sa isip.

Nagpatuloy sa pagkain ng popcorn ang babae habang nanonood ng sine. Para sa kaniya ay hindi naman talaga ito nakakatakot kahit na kabilaan ang mga nagsisigawan. Maging ang katabi niya ay mukhang mamamatay na kakasigaw, pero hindi naman nagigising si Gray na nasa tabi rin niya.

Pagod siguro 'to. Kasalanan ko pa't di siya nakapagpahinga nang maayos, nakonsensya si Phoebe at napabuntong hininga.

Nilipat niya ang tingin sa lalaki. Ang gwapo nitong pagmasdan kahit nakapikit ang mata. Kalmado itong natutulog. Mas gugustuhin pa ni Phoebe na ito ang panoorin kaysa sa movie ngayon.

Biglang gumalaw ang ulo ni Gray, parang naghahanap ng pagpapatungan. Naalarma naman si Phoebe pero natigil sa kinauupuan nang sumandal ang ulo nito sa kaniya.

Napakagat tuloy ng labi ang dalaga. Mukhang mapapatili siya nang wala sa oras pero hindi dahil sa horror film kundi dahil sa kakiligan.

"Phoebe..."

Nangisay ang dalaga, pero sa isip lang. She can't take the risk of moving even a little. She doesn't want a change in their position.

Leche, baka may iba pa siyang Phoebe na kilala, sabi niya sa isip para hindi masyadong kiligin pero sadyang sobrang kinikilig na siya sa mga oras na 'yon.

"What are you doing?!" narinig niya ang mariin na sabi ng lalaking katabi ng babaeng nasa kaliwa niya.

"Ginagaya ko lang sila, ang sweet kaya," sabi nung babaeng kanina pang sumisigaw sa tabi niya.

"Geez," sabi lang ng lalaki. Hindi na niya nakita kung pinaalis ito ng lalaki pero biglang tumahimik sa tabi niya. Napangiti naman si Phoebe dahil nasweet-an siya sa dalawa.

Hay, mukhang maraming kaganapan sa loob ng sinehan ha.

What Makes Phoebe Differentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن