Epilogue (Part 3)

30 1 0
                                    

Nakatitig lang ako sa kaniya habang tinitimbang ang sitwasyon. Napapansin ko ring sumusulyap siya sakin tapos ngingitian ako at kakain na ulit.

Gusto kong sabihing pwede naman kaming pumunta at manood ng performance, kasi hindi ko naman pinagbabawal eh??? Atsaka, kailangan ng pinsan ko 'yong suporta ko, kailangan nandoon ako!

"Do you want to say something?" he suddenly asked. "You're staring for too long."

"Sorry," hinging paumanhin ko at nagbaba ng tingin. "Gusto ko kasing sumuporta sa pinsan ko eh, kaya...pwede bang pumunta tayo mamaya?"

Tumango kaagad si Gray. "Sure, kung 'yon ang gusto mo, sige pupunta tayo."

Ngumiti ako sa kaniya. Natahimik kaming dalawa tapos nakatitig lang sa isa't isa. It was so uncomfortable for me but I can't look away. Parang may masamang mangyayari kung iiwas ako ng tingin.

Sabay kaming napatingin sa phone niya nang mag-vibrate ito. Mabilis man niyang nakuha ay hindi nakatakas sakin ang pangalan.

Lisa calling....

"I'll just take this call," aniya at naglakad palayo sakin. He even made sure that I won't hear him talking on the phone. I didn't bother look at him anymore.

We decided to walk for a bit since matagal pa naman ang performance ng pinsan ko. It will be on 6:30 PM. Medyo madilim sila magpeperform. Medyo naintriga naman ako sa kung sino pa ang makakasama niya sa grupo kaya tiningnan ko ulit ang flier na bigay sakin.

"Wow," biglang lumabas sa bibig ko habang nakatitig sa isang babae na nasa gitna na katabi ni Gen. "She looks...beautiful."

Gray seems to not care at me being in full awe with the group's visuals. Apat lang nga sila tulad ng sabi ni Gen. So mayayaman at magaganda ang kagrupo niya, pero talented kaya sila?

"Don't tell me that you'd be more of a fan to them than to us?" may himig ng tampong saad ni Gray.

"Fan ka rin naman nila ah?"

"I'm not a fan. Si Dalla lang ang kilala ko sa grupo."

"Edi sabay tayong maging fan. So favorite mo 'tong si Dalla?"

"I don't know. I guess I should try to know the other members first. Ikaw? Favorite mo 'yong pinsan mo?"

"I don't know either! Ang ganda nitong si Lily oh!"

Natawa si Gray. "How did you come up with me being your favorite?"

"Yong boses mo nga! Tsaka ang galing mong mag-gitara."

"Timothy has the best voice among the three of us."

"Eh sa mas gusto ko boses mo eh!"

Ngumiti naman sakin si Gray. "Thanks."

"Kaya ka rin siguro nagustuhan ni Lisa," I said. Huli na nang maintindihan ko rin ang sinabi ko.

Napatigil sa paglalakad si Gray kaya napatigil din ako. Nilingon ko siya at nakitang nakakunot ang noo niya. Geez, wrong choice of words talaga, Phoebeee!

"Does that mean you like me too?"

I was taken aback by his response. Why was he dodging the topic?

I didn't know where I got the confidence to roll my eyes and say, "Given na 'yon. Kaya nga fan mo ako at di ako tumigil hangga't di mo ko napapansin."

Naglakad siya papalapit sakin tapos hinila niya ako para yakapin. He didn't say anything but it was enough for me already. Hahayaan ko naman siya kung si Lisa ang gusto niya kasi sino ba naman ako??

I'm just a common girl.

Hindi siya magkakagusto sakin.

What makes me different anyway?

Maraming nagchachat sa kaniyang fans niya rin. There was a lot of them even before me. Naswertehan lang na nakapagreply siya sakin kasi down siya ng mga oras na 'yon.

Nothing makes me different from those other fans of him.

I'm....merely just a fan.

We pulled away from each other without saying anything and he held my hand before going.

Hindi ko namalayan ang oras nang magtext sakin si Misty na nagsasabing pumunta na raw kami doon. It was 5:50 already. May forty minutes pa bago ang performance ng grupo nina Gen. Nakarating naman agad kami doon ng 6 at kitang-kita namin ang stage.

It was like the larger version of their booth. I think they like gray. Gray as in the color, hindi 'yong kasama ko hahahahaha

Hindi pa 'to ang debut nila pero sobrang pinaghandaan talaga!!

"Hoy!! Ang bongga talaga, sabi na eh sobrang ganda ng kalalabasan nito! Dallarin Hwangyen pa ba!" salubong samin ni Misty.

Ano bang meron sa Dallarin Hwangyen na 'yon at kilala siya ng lahat?

"You're a fan of them?" tanong ni Gray. Napansin kong kasama ni Misty si Timothy pero tahimik lang siya. Himalang wala sa phone ang atensyon nito.

"Syempre!" she said in full energy. "Hindi pa rin ako makapaniwalang totoo 'yong sinasabi ni Gen na nag-offer daw si Dalla na maging part siya ng grupo. I'M SO PROUD OF HER!!!"

The remaining minutes before their performance was covered with Misty sharing her knowledge about the group. Iba talaga kung maging fan ang isang 'to. Dapat, every single detail ay alam.

"The long wait is over, guys!" sabi ng emcee pagkatapos sabihin ang kaniyang introduction about the group, kahit mas reliable ang descriptions ni Misty. "Let's all give a round of applause to our rookies, MUSE-IC!"

Tumunog ang isang music. Sabi ni Misty ay hindi raw ito ang debut nila kaya wala raw original songs, imbes ay mag-cocover lang sila ng mga kanta at sayaw.

Hindi ako pamilyar sa kinanta at sinayaw nila kasi kpop song 'yon pero napapasabay ako ako don sa pagsasabi nila ng "love bomb love bomb bomb love bomb bomb what?" Ang cute kasi HAHAHA

Ang ingay naming lahat, maliban kay Timothy na taimtim kung manood lol. Tumatalon na nga kaming lahat. Ang ganda ng outfit nilang lahat, at alam kong si Gen ang stylist nila. Ang stable din ng vocals nila. Rinig na rinig ko ang live vocals nila at napaka-soft at unique talaga ng boses ni Gen.

Nawala ang focus ko sa kanila nang dahan-dahan ang kamay ni Gray na humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya sakin kaya nginitian ko rin siya. Ganon lang kami habang nagpeperform pa rin ang grupo nina Gen.

Maswerte si Lisa. Hindi lang siya fan ni Gray, siya rin ang babaeng gusto nito..

What Makes Phoebe DifferentWhere stories live. Discover now