- 42 -

26 2 0
                                    

"Pasensya ka na, ako nalang natira sa mga inimbita mo," Gray blurted out.

Ngumiti si Phoebe. "Okay lang naman. Mukhang urgent situation naman eh," she said. Isa pa, ikaw lang naman talaga ang kailangan ko rito e, hihi, bulong ng isip ng dalaga.

"So paano ba?" he said then motioned his car. "Una na ako?"

Phoebe bit her lip. Parang may gustong sabihin pero hindi makapagsalita. Kumunot ang noo ni Gray nang hindi ito sumagot sa kaniya.

"Are you...okay?" nag-aalinlangan nitong tanong.

She simply scratched her head. "Uhmmm," she trailed. "Pwedeng sumama?"

Gray was taken aback. Agad namang nagsalita muli si Phoebe. "I mean, punta muna tayo sa kung saan. Bored kasi ako rito sa bahay," sabi niya.

"Hindi ka ba kakailanganin?"

Ngumiti muli si Phoebe. "Anjan naman 'yong pinsan ko. Kahit mas bata ang mga 'yon sakin, parang mas maasikaso pa sila."

Nahawa naman ng ngiti niya ang binata. Hindi agad ito nakasagot dahil sa pagtitig sa dalaga. Nakipagtitigan naman ang huli. Sino nga bang hindi mapapatitig kung nasa harapan mo mismo ang isang Gray Hueson?

Maya-maya pa'y medyo nailang na si Phoebe. Nag-iwas na kasi ito ng tingin pero nakatitig pa rin sa kaniya ang binata.

Medyo lumapit pa si Phoebe rito pero hindi natinag ang lalaki. She slightly poked his cheek. "Gray? May naalala ka?" tanong nito dahil baka may naisip na ang binata tungkol don sa Lisa.

Nginitian lamang siya ng lalaki. "Wala, ipapagpaalam muna kita."

"Hindi na. Nasabi ko na rin naman kina Misty kaya sila na ang magsasabi kina mommy."

Tumango ang binata. "So, tayo na?"

"Ay, ang bilis naman ata. Walang ligaw-ligaw?" pabirong tanong ni Phoebe na ikinatawa ni Gray.

"Sasagutin mo rin naman ako kaagad kapag nanligaw ako diba?"

"Grabe ha, confident!" Phoebe retorted. "Pero sabagay. Tama naman. Ang kaso nga lang hindi mo ako liligawan sa totoong buhay."

"Tayo na nga," sabi ni Gray. Sinadya niyang double meaning ang pahayag na sinabi.

"Teka, di pa ako nakakapanligaw eh," sabi nito, nagbibiro muli. "Joke lang, baka naiirita ka na sakin," dagdag pa niya kahit na hindi naman siya talagang titigil kung naiirita na nga ang binata sa kaniya.

"Kapag niligawan ako, dapat palaging may pagkaing binibigay sakin," Gray said, obviously wanting the conversation to keep going.

Natawa si Phoebe. "What's your favorite food anyway?"

"Any food would do," Gray truthfully said. "But I was only kidding. Parang nang-aabuso naman ako kung pabibilhin kita ng pagkain palagi para sakin."

"Abuso talaga," natatawang sabi ni Phoebe. "Papakainin kita tapos di mo ako sasagutin? Ang unfair naman ata non."

Gray grinned at her while stopping himself from saying that he would actually want to date her. Gusto niya siya ang manligaw. At gusto muna niyang makilala siya ng dalaga nang maayos bago manligaw. He will do it all step-by-step until he gets her.

"Tara na nga," he reached for her hand and started walking towards his car.

Napatunganga naman si Phoebe sa kamay nilang magkahawak ngayon.

Bakit parang ako po yata ang may birthday ngayon? tanong ng kaniyang isip.

What Makes Phoebe DifferentOnde histórias criam vida. Descubra agora