- 45 -

22 1 0
                                    

"Bakit nga ulit kayo nandito?"

Isang buwan at mahigit na rin ang nakakalipas mula nang magkaroon ng connection si Gray at Phoebe. Ang weird kasi on the process of knowing each other, biglang ginugulo ni Terrence ang kapatid ni Phoebe. Naiinis na nga si Polly sa kaniya e.

"Binibisita ka namin," Terrence answered pero sumisilip siya sa likod ng dalaga.

"Tulog pa ang kapatid ko," she said then rolled her eyes. It's Saturday, alam niyang gising na si Polly and she's either reading books or studying, at alam rin niyang she wouldn't want a disturbance right now.

"I saw her tweet. She's rereading the book you gave her," natatawang sabi ni Terrence na para bang nahuli niya ang babae sa akto.

"Geez! Wag mo nga siyang guluhin."

"Hindi ko naman siya guguluhin. Nagpapatulong lang ako don sa kaibigan niya," depensa pa ng binata.

Sumimangot si Phoebe.

"Hayaan mo nalang sila. Your sister would find a way to get rid of Terry if she doesn't want his presence," Gray assured her with a smile.

Phoebe smiled back.

"Ay ganon? Kapag ako simangot na simangot ka tapos pag siya----Naku talaga. Kung di ko lang kayo kaibigan!" Terrence exclaimed and took the opportunity to walk pass them. He's planning to go upstairs since Polly's room is there.

"Hoy! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Phoebe pero hindi siya makaalis kasi nandon si Gray.

Tatawa-tawa lamang na umakyat pa rin si Terrence.

...........................

"Bakit hindi pa rin 'yon bumababa?" mahinang tanong ni Phoebe habang naghahain ng mga plato. Napasarap siya ng kwentuhan kay Gray na hindi na niya namalayan ang oras.

"Baka nakagawa siya ng paraan para hindi agad siya paalisin ng kapatid mo," natatawang sabi ni Gray.

"Plano ninyo 'to noh? You'd keep me company while he's disturbing my sister!" Phoebe exclaimed like she was feeling betrayed.

"Come here," Gray pulled her into a hug.

Mahilig 'tong gawin ni Gray. Nagtataka man si Phoebe ay enjoy na enjoy siya sa yakap ng binata. After all, he's still Gray Hueson!

"Terrence was just really looking for your sister's friend. Matagal na," sabi nito.

"So wala siyang balak sa kapatid ko?" nakataas ang isang kilay na tanong ng babae.

Umiling si Gray. "No----Or maybe yes? I don't really know. Terrence became fond of women with eyeglasses already."

"That's weird. So that's why Misty wants one, tapos lagi niya pang sinasabing para magustuhan na raw siya ni Terrence."

Natawa si Gray.

"Ship ko talaga si Misty at Terrence eh," nakasimangot na sabi ni Phoebe. "I thought they'll be close noong nagpunta tayo sa park kasama silang dalawa. Or kaya noong birthday ni Polly," she sighed. "Parehas pa naman ng ugali ang dalawang 'yon."

"Hoy, bat may yakapang ganap dito?" tanong ni Terry tapos umupo sa tapat ni Gray. Kasunod nito si Polly.

"Anong ginawa sa'yo ni Terrence?" tanong ni Phoebe.

Polly shrugged.

Natawa si Terrence.

"Mabait kaya ako sa kapatid mo," tumatawa pa ring sabi ni Terrence.

"Kain na kayo," sabi ng mommy nina Phoebe at Polly. "Tawagin ko lang ang asawa ko."

"Sure, tita."

"Sige po, tita" biglang naging magalang si Terrence na nag-bow pa.

"Wow, sino ka at anong ginawa mo kay Terrence?" natatawang tanong ni Phoebe.

"Pasado na ba ako sa mommy ninyo?" tanong ni Terry while he's wiggling his eyebrows.

"May ibang gusto ang kapatid ko," sabi ni Phoebe at inikot pa ang mga mata. Hindi na lamang nagsalita si Polly.

"Whatever. Si Gray lang naman ang kailangang pumasa rito," sabi nito.

Sinamaan siya ng tingin ni Phoebe samantalang napakagat sa labi si Gray upang pigilan ang ngiti.

What Makes Phoebe DifferentWhere stories live. Discover now