- 25 -

28 3 0
                                    

"Why are you staring at your phone?"

Agad sinita ni Timothy si Terrence. Sumimangot naman si Gray sa kaniya.

"Bakit? Bawal na?"

Gulat na nilipat ni Terrence ang tingin kay Tim. "Narinig mo 'yon?? Ano bang meron ngayon? Anong nangyayari?"

"You're overreacting," komento ni Gray habang umiiling. Hindi nito gustong makausap sa ngayon ang isa pang kaibigan kaya't minamabuti muna niyang ituon ang atensyon sa phone.

Isa pa, hinihintay niyang mag-online ang isang babae. Kahapon kasi ay hindi ito nagbukas ng kaniyang account. Na-curious tuloy si Gray sa nangyayari sa dalaga ngayon.

Nasaktuhan namang lumabas si Timothy. Umupo si Terry sa tabi ni Gray.

"Bakit ka nga pala nagchat noong isang araw?" tanong na lamang nito dahil wala na siyang ibang tanong na maaaring sagutin ng kaibigan.

"I just found out something."

Agad na natakot si Terry. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi mapansing hindi pinapansin ni Gray si Timothy.

"What is it about?"

Kalmadong tingin ang isinukli ni Gray. "You tell me."

Napalunok siya. "Gray----"

"No," he cut him off. "Nevermind. I'd rather hear it from him."

Tumango si Terrence. Iniisip kung dapat ba niyang sabihin kay Tim na alam na ng kaibigan ang tungkol sa kanila ni Lisa.

"Don't tell him," sabi ni Gray as if he read Terry's mind. "I want him to tell me when he's ready."

Tumango muli si Terry. He groaned loudly. "Ang daming problema. Ayaw pa rin akong replyan ni Phoebe!"

Humigpit ang hawak ni Gray sa phone. "Maybe she's busy."

"Right," he mumbled. "But I saw a photo tagged to her with a guy. Manliligaw daw."

Mas kumunot ang noo ni Gray. "Who?"

"Yong pangalan sa Facebook ata ay----" natigilan si Terry. "Bat ka curious?"

"Nagkukwento ka e."

Terrence shrugged. "Charlie Doron," sabi niya.

Gray's jaw clenched. Napansin iyon ni Terrence kaya kumunot ang noo niya.

"Do you know him?"

Agad na umiling si Gray. "Did you find the woman with eyeglasses?" he asked, trying to change the topic.

Umiling din ang kaibigan. "No."

"What would you do if you found her?" tanong nito kaya nagtatakang tiningnan siya ni Terry. "I mean, sa tingin mo, magugustuhan mo pa rin siya o si Phoebe na talaga?"

"Depende," sabi nito. "Why are you suddenly curious?"

Gray was about to answer when he felt his phone vibrating. He immediately checked kung anong notification 'yon pero it was just a fan's dm.

"Let's practice," sabi ni Gray nang mawalan ng ganang maghintay.

What Makes Phoebe DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon