- 44 -

31 1 0
                                    

"Sorry tinulugan kita," ani Gray habang nagtitingin sila ng libro sa National Bookstore.

"Okay lang," sabi ni Phoebe. "And besides, alam kong pagod ka pero dinala pa rin kita rito. Sorry for being a disturbance. Instead of being a rest day, kinailangan mo pa tuloy sumama sakin."

Ngumiti si Gray. "Don't worry about it. I had fun."

Napabuntong hininga naman si Phoebe. "Wala akong alam sa mga libro," nagrereklamo niyang sabi.

Napatawa ang lalaki. "Bakit ba ngayon ka lang bibili ng regalo?"

"Wala kasi akong time. I was the one who organized her party," sabi nito at napakamot sa pisngi niya. "Maybe I should call Misty," aniya at akmang kukunin na ang phone nang bigla siyang pigilan ni Gray.

"No," he immediately said. Phoebe was left confused. "I mean, andito naman ako, tutulungan kita."

Ngumisi ang dalaga. "Bakit? May alam ka ba sa mga libro?"

"Of course," agad na sabi ni Gray. "I love books. Ikaw lang naman jan...." hindi tinuloy ni Gray ang sasabihin. Tumawa siya nang marahan.

"Ako lang ang alin?" nakasimangot na sabi ng dalaga. "Ako ang bobo? Ganon?" may himig ng tampo sa kaniyang tono.

Mas natawa ang binata. "No, I never said that," aniya pero pinagkrus lamang ng babae ang kaniyang braso sa harapan. "You're smart," dagdag pa nito.

"Sus sinasabi mo lang yan kasi ayaw mong may galit sayo!"

"Oh come on!" Gray exclaimed. "It's just that not all people like books. Some of the smart ones do and the rest doesn't find it interesting. You're one of the latter. Matalino ka kaso hindi ka lang talaga mahilig sa libro."

"Oo na, oo na," sabi ni Phoebe na hindi tumitingin sa kaniya. "Tulungan mo nalang ako rito."

Kumuha ng libro si Gray. "This is a new book published by my favorite author. Baka gusto ng kapatid mong i-try."

Tumango lang si Phoebe. "Okay, salamat. I'll buy it."

Pumunta sila sa counter para magbayad. Nanatiling tahimik lang si Phoebe habang si Gray naman ay pasulyap-sulyap sa kaniya. Napapabuntong-hininga ang lalaki dahil nagtatampo ang dalaga sa kaniya.

...............................

"Phoebe..." malambing na tawag ng binata nang pagbuksan niya ang dalaga palabas ng sasakyan.

"Hmmm?" she hummed while slightly fixing her dress.

"Galit ka ba?"

Ngumiti si Phoebe. "Di ah. Minsan lang talaga naka-serious mode ako. Like I somehow doesn't feel like talking to anyone," paliwanag niya. "Sorry ha?"

Tumango si Gray. "So, we're okay?"

She nodded. Gray gave her a pat on het head. They smiled at each other.

"Chat me when you're home already," Phoebe reminded him.

"I will."

What Makes Phoebe DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon