- 35 -

29 2 0
                                    

"I can't believe you dragged me here just to be an extra," madiing bulong ni Misty kay Phoebe. "I swear, Phoebe Marie. You owe me one for this."

Napailing nalang si Phoebe habang kumakaway sa parating na dalawang lalaki. Nginitian naman siya pabalik ng dalawa.

"Hi!" masiglang bati ni Phoebe sa dalawa. "This feels so unreal."

Misty groaned silently.

"By the way, to formally introduce myself, I'm Phoebe Cheng. It's a pleasure to meet you personally!" excited nitong sabi.

Mas lumawak ang ngiti ni Gray. Sumingit naman si Misty. "It's Phoebe Marie Cheng. Bat ba di mo sinasama?"

Agad natawa si Phoebe. Tumingin ito kay Terrence. "Fan po kayo ng pinsan ko, matagal na. Si Misty Cheng po pala siya."

"It's Misty Carylle Cheng," nginitian ni Misty nang matamis ang dalawa sabay masamang tiningnan si Phoebe. "Pwede na ba akong umuwi?"

Hinawakan siya ni Terrence. "Don't leave me."

Misty gasped. Hindi makapaniwalang hawak siya ng lalaki.

"Hindi na po," sabi nito. "Mamamatay na yata ako," nangisay siya ng konti. Natawa si Terrence.

Sa kabilang banda, nakatitig si Gray ngayon kay Phoebe habang pinapanood naman ng dalaga ang eksena ng dalawang kasama. They were on a private park kaya hindi basta-basta makakalapit ang fans ng dalawa.

Maya-maya pa ay magaan na ang loob ni Terrence kay Misty sa dami ng kwento nito tungkol sa lahat ng nalalaman sa Black Tail Band o mas kilala bilang BTB na banda nga nina Gray. Palaging sinusulyapan ni Phoebe si Gray at nginingitian ito lalo na at tutok ang mata ng binata sa kaniya.

"Buti nalang hindi umalis itong si Misty," nakangusong sambit ni Terrence habang tinitingnan ang kaibigan. "Kung nagkataon...." pabitin nitong sabi.

"Kaya nga e," sabi ni Misty na para bang alam na ang kasunod na sasabihin ni Terrence. "Sa susunod naman kasi, kung may date kayo, don't drag people, naiintindihan nyo ba?"

Masunuring tumango ang dalawa, tumingin sa isa't isa at nagngitian.

"My gosh, bakit ba nakikita mismo ng dalawa kong mata ang love story nyo?" tanong ni Misty. "Hindi naman masakit pero parang ganon na nga!"

Natawa silang lahat bago nagpatuloy sa "date" kuno.

What Makes Phoebe Differentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن