- 06 -

40 3 0
                                    

"Shet!"

Tinakpan muli ni Phoebe ang tainga dahil sa sobrang lakas ng tili ng pinsan.

"Hoy paano mo 'to nagawa?" tanong ni Misty rito. "And I didn't thought na si Gray ang tipo ng taong gumagamit ng happy face na emoji! Ang kyot!"

"Lahat naman yata ng tungkol kay Gray, feeling mo cute," Polly remarked. Kapatid siya ni Phoebe. "No offense meant."

"Hmp! Paano ba kita naging pinsan?" tanong pa ni Misty. "Hay, inggit ako sa ate mo."

Pilit pa ring inaagaw ni Phoebe ang phone niya mula sa pinsan. Sobrang nahihirapan naman ang isa pa nilang pinsan na si Gen dahil sa likot ni Misty na nilalagyan niya ng make up.

Si Polly na ang umagaw ng phone ng ate niya. "Wag mo ngang pahirapan si Gen, ate Misty. Para kang bata e."

Nginitian ni Gen si Polly. "Salamat."

Kinuha naman muli ni Phoebe ang phone niya at pumunta na naman sa profile ni Gray Hueson.

"Talagang sobrang adik ka na rin kay Gray," pagmumukmok ni Misty nang makitang tutok na naman sa phone niya si Phoebe. "Okay lang. May Terrence at Timothy pa ako!"

Para namang walang naririnig si Phoebe at scroll pa rin nang scroll. Then naalala niya ang sinabi ni Misty sa kaniya noong isang araw. She started going to Gray's friends on Facebook pero hindi siya available for public.

"Who's Lisa?" hindi niya napansing naisatinig niya.

"Ex ni Gray," sagot ni Misty na parang inaral na talaga niya ang lahat tungkol sa banda.

"Can you tell me more about her?"

"Mahinhin. Magaling kumanta. Actually she's basically your opposite. Gets mo? Hindi ka magugustuhan ni Gray."

Nagbago ang ekspresyon ni Phoebe na parang di nagustuhan ang sinabi ni pinsan.

"Hoy pikon?" tanong ni Misty.

"I'll be going," tuloy-tuloy na naglakad si Phoebe paalis.

"Hala nagalit ko pa yata talaga."

What Makes Phoebe DifferentWhere stories live. Discover now