12

1.4K 30 1
                                    

Siguro ay dahil din sa stress dahil sa nangyari sa amin ni Ben ay hindi ako masyadong nakatulog ng gabing iyon.

Maaga ako tuloy akong nagising at paglabas ko ng kuwarto ay naabutan ko itong si Roland.. Tulog na tulog na nakataas ang paa sa sofa at humihillik pa.

Bigla akong nakaramdaman ng gutom... Sabagay 5:00 na rin ng umaga... Almusal na rin.

Gigisingin ko sana si Roland para magluto pero nahiya ako sa mahimbing niyang pagtulog kaya di ko na lang siya ginising. Nagbukas na lang ako ng isang lata ng corned beef at niluto iyon. Tamang-tama para paggising ng dalawa ay makakain na sila ng almusal.

Ang weird lang. Ipinagluluto ko si Roland at si Rya.

Gee.. Never kong ginawa yun nong nagsasama pa kami.

Si Roland kasi lagi niya akong ipinagluluto, pinagsisilbihan na parang prinsesa...

Well prinsesang gusgusin siguro... at ngayon kung kailan ako umasenso sa buhay at naging queen of adverstising saka ko siya pinagluluto.

Tinignan ko ang orasan magsix na, automatic kay Roland na 5:30 pa lang ay magising na para maghanda ng almusal pero bakit ang himbing pa rin ng tulog niya.

Nilapitan ko siya para gisingin, "Ro..."

"Vic-vic..." ang sabi niya habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.

"Yes, Roland."

"Sa amin ka lang ni Rya Vic-vic, dito ka lang sa amin please."

Wait... gising na ba siya or is he dreaming about me.

"Roland kailangan mo ng gumising."

"Vic-vic mahal na mahal pa rin kita."

Tapos napatitig ako sa mga mata niya tila may lumalabas na luha kahit nakapikit siya. Umiiyak siya sa panaginip niya.

Napatayo ako sa sofa at napahawak sa dibdib ko.

Kinakabahan ako? Lumalakas ang tibok ng puso ko...

Una ko itong naramdaman nong una kong nakita sa basketball court... yung pagmulat ng mga mata ko ay yung kaguwapuhan niya agad ang nasilayan ko.

Ito rin ang naramdaman ko nong inalok niya ako ng kasal at sumama sa kanya sa Davao.

Isn't it... Im falling again with this person...

OMG... or the truth is I still love him.

"Parekoy.."

"Shhh..." ang sabi ko kay Rya na papungaspungas pa na lumabas ng room ko, "Wag muna nating istorbihin ang Papa mo. Ipinaghanda na kita ng almusal kumain ka sa dining."

Tumango naman si Rya at nagpunta sa dining table upang kumain tapos saka sinamahan ang anak ko sa pagkain.

Then pumasok na ako sa banyo upang maligo. Hanggang sa paliligo ko di ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Roland sa panaginip niya. Shet Victoria! Bakit mo iniisip yun panaginip lang yun?

Nagpatapi na ako ng tuwalya at lumabas ng CR at laging gulat ko naman nang bigla akong sinalubong ni Roland.

Para tuloy akong na-awkward... awkward stage talaga?

"Hayop ka! Bakit di ka kumatok?"

"Sorry sorry malilate na kasi ako eh maliligo muna ako. Saka wag ka ng maconscious para namang di ko na nakita yan noon."

Bigla ko tuloy hinigpitan ang tuwalya at binato siya ng unan.

"Bastos ka talaga."

Di na lang niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy siya sa banyo upang maligo.

Tapos napangiti ako... so bakit ako ngumingiti eh muntikan niya na akong masilipan...

Hey Victoria whats happening!

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now