19

1.3K 31 2
                                    

Victoria

"Oh anak. Ganito ha, kapag sinabi ni direk na ngiti ha, ngiti ng maganda ha. Pakita mo sa kanila na manang mana ka sa tatay mong pogi." ang sabi ni Roland habang pinubulbusan si Rya papunta sa studio para sa pictorial.

Napangiti ako kay Roland. Hay stage father lang ang peg, "Kaya maganda dahil sayo lang nagmana?"

Ngumiti si Roland, "Ahem.. siyempre nagmana ka rin sa nanay mong maganda. Kaya nga inlove na inlove ko riyan eh dahil sobrang ganda niya. Vic-vic pa kiss mo nga."

Ngumiti ako sa lokong yun, "Sapukin kita riyan eh."

Ngiting-ngiti naman si Rya at tila kinikilig sa aming dalawa.


"Look at the camera Rya and us a sweet smile." ang sabi ng photographer.

"Sweet smile daw anak. Say cheese!" ang sigaw ni Roland.

Siniko ko si Roland dahil sa lakad ng boses niya, "Roland, alam ng anak mo ang ginagawa niya di mo kailangang sumigaw."

Ngumiti si Roland sa akin, "Pasensya ka na ha, Vic-vic anh saya-saya ko lang kasi makikita sa TV si Rya. Naeexcite lang ako masyado."

Ngumiti ako kay Roland, "Controlin mo yung excitement mo."

"Sir?" tinawag ng photographer si Roland, "Pwede pong dito kayo sa likuran ng camera."

"Ah ganon ho ba?" at nagpunta sa likuran ng camera si Roland.

"Rya look at the camera and then tingin ka sa Papa mo. Ipakita mo sa amin yung ngiti mo dahil masaya ka't nakikita mo ang Papa mo."

Sinunod ni Rya ang photographer pinagmasdan niya ang Tatay niya at ningitian niya ito.

"Wow that's very authentic Rya. Nice shot!"

Nagthumbs up si Roland.

"Amm let's take a break and retouch muna sa model natin."

Agad lumapit si Roland kay Rya at pinunasan ang pawis at likod nito, "Ang galing-galing mo anak. Manang-mana ka sa amin ng Nanay mo."

Lumapit ang talent coordinator namin sa akin, "Ang galing ng pamangkin nyo at napakaganda."

"Thanks. Mana sa akin eh."

"Victoria, look at this. I think this picture is perfect." ipinakita sa amin ng photographer ang kuha niya kay Roland habang pinupunasan ang likuran ni Rya at nagbibiruan silang mag-ama.

"Yah, I also think so. Bagay... perfect for our concept." napatingin silang dalawa sa akin, "Miss Victoria, what do you think. Di ba bagay siyang maging model ng project natin."

"You mean si Roland gusto niyong maging model ng Victorina."

"Yah he's perfect. Tatay na tatay tapos ang ganda pa ng rehistro niya sa camera. Yummy!"

"And mas effective kung tunay na mag-ama ang gagamitin na sa project." dagdag pa ng photographer.

That's a big NO WAY. Kinuha na nga nila ang anak ko pati pa naman si Roland!

VICTORIA'S SECRETSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang