14

1.3K 31 1
                                    

"What to celebrate?"

Ilang oras na akong nakatapat sa PC ko pero wala pa rin akong maisip na idea para sa Victorina Project.

"Hay mababaliw na ako!!!" napasabunot ako sa sarili ko at napatingin sa akin si Roland na kasalukuyang kumakain ng hapunan kasama si Rya.

"Bakit di ka kasi kumain muna? Malay mo kapag may laman na ang tiyan mo makapag-isip ka na."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumabay sa mag-ama sa pagkain sa dining table.

"Ano ba kasi ang kailangang i-celebrate?" habang kumakain ng hapunan ay iniisip ko pa rin ang project namin.

"Eh kung saan ka pinakamasaya. Kaya may celebration di ba kasi masaya ka." ang sabi ni Roland.

"Eh ikaw ba kailan ka naging pinakamasaya?"

"Nong ipinanganak mo si Rya."

Napahinto ako sa pagkain.

"Nong maging tatay na ako."

"Fatherhood..." ang nasabi ko.

Napatayo ako, "Tama! Fatherhood! Let's celebrate Fatherhood thru Victorina Wine! ANg galing. Alam mo Roland ang galing mo talaga I swear!"

Hindi ko na natuloy natapos ang pagkain agad akong umupo sa harap ng PC ko upang i-type na ang idea ko.

ROLAND

Nakahiga ako sofa at napasilip ako sa kuwarto ni Vic-vic nakita kong nakabagsak na ang ulo niya sa tapat ng PC niya. Nakatulog na siya sa kakaisip tungkol sa trabaho. Naku baka bukas sumakit ang katawan nito sa ganong pwesto.

Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga upang lapitan siya. Binuhat ko siya mula sa upuang yun at saka dahan-dahang inihiga sa kama katabi ni Rya.

Hinawi ko muna ang buhok sa mukha niya at saka siya tinitigan.

Miss na miss ko na siya.... miss na miss ko na siya bilang asawa ko.

Yung tipong kada oras nakakatikip ako ng kiss mula sa labi niya. Yung lagi kaming naglalambingan at wala siya iniintinding trabaho. Yung malaya ko siya nahahawakan, nahahaplos at alam mo na.

Nakakamiss talaga ang asawa ko.

Pero happy na rin ako dahil araw-araw ko siyang nakikita ngayon... lagi kaming nag-uusap at ang maslalong nagpapasaya sa akin eh yung nakikita kong unti-unti na siyang nagiging ina sa anak namin. Yung nakikita kong masaya ang anak ko sa nanay niya. Sana nga lang dumating ang araw na hindi niya na i-deny si Rya... ipagmalaki niya sa buong mundo ang anak namin.

I love you Vic-vic... sobrang mahal pa rin kita.

VICTORIA'S SECRETSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora