1

4.6K 50 0
                                    

Once upon a time there was a princess... who live in a beautiful palace and had all the beautiful things in the world.

And then she met a prince that she thought will make her complete pero hindi pala....

"The prince doesn't take long... hindi siya naging happy ever after dito kaya she decided to change for the better and choose Maxel Deodorant at hindi siya nagkamali the fragrant lasted for 24 hours at iwas BO pa. Kaya Maxel Deo for better lifestyle."

Nagpalakpakan mga bosses ko at clients ko sa ginawa kong advertisement.

"Indirect competition yan, gumamit ka ng human prince pero you are really referring to Royalty Deo." ang sabi ni Boss.

"You're presentation is really smart and witty." ang sabi ng client, "So I guess wala na kaming questions pa we are already approving on that."

Kung makakasigaw lang ang damdamin ko isang malaking yes ang isasagot nito. Maxel is a big account and nakuha ko ito.

"Grabe Mam Vic ang galing niyo." ang sabi ng staff ko.

"Guys lahat tayo magagaling dahil we really cooperate with each other kaya naman nakuha natin ang Maxel account. Kaya guys mamaya ha, magsicelebrate tayo." ang sabi ko sa kanila and my people really jump with joy sa another good news kong dala.

Sa isang KTV bar ko trineat ang mga staff ko. Super saya ng lahat. They keep on singing na parang walang bukas while me dahil sa sintunado ako ay I just drink and watched them.

"Mam Vic, kumanta naman po kayo." ang anyaya nila sa akin.

Tumanggi ako because I'm enjoying watching them.

Kring! Kring!

Napatingin ako sa phone ko to check kung sino ang tumatawag.

Roland...

Bigla akong napatayo sabay kuha ng phone ko at labas ng room na yun.

Sa lobby ay napatingin ako sa emergency exit kaya dali-dali akong pumasok don upang sagutin ang phone ko.

"Ano na namang tinatawag mo ha?" ang tanong ko kay Roland.

"Honeybunch..."

Grrr... I hate him for calling me Honeybunch!

"Will you stop calling me that!" ang saway ko sa kanya.

"Hehehe pasensya na Honeybunch este Vic-vic, na-miss ko lang kasi yung araw-araw oras-oras may tinatawag akong Honeybunch."

"Eh ano bang problema mo at gabing-gabi na iniistorbo mo ako... wait don't tell me hindi mo nakuha yung perang pinadala pang-enroll diyan kay Rya."

"Ah .. Eh... ang totoo niyan."

"Shet naman Roland anong petsa na bakit di mo pa inenroll yung anak mo?" napahawak ako sa ulo ko. Malakas maka-migraine talaga itong lalaking ito. Pinagkabilin-bilin ko pa naman sa kanya na papasukin si Rya sa isa sa pinakamagandang school sa Davao.

"Nakakainis ka talaga. Hala bukas na bukas i-enrol mo yang batang yan understand?"

"Pero Vic-vic..."

"Honey?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang boses na iyon at kumakatok sa pintuan ng emergency exit.

"Shet yung Big Boss ko andiyan. Paano niya ako natunton dito?"

"Hah?" ang tanong sa akin ni Roland sa kabilang linya.

"Sige ba-bye na." agad kong i-nend ang call ni Roland at tumayo sa hagdan upang pagbuksan si Big Boss ko.

"Hi Honey.." sabay kiss sa lips niya.

"Honey what are you doing there?"

"Am nag-answer lang ng call tumawag kasi yung pinsan ko. Humihingi ng tulong sa pagpapaenroll ng anak niya."

Napailing si Benedict, " Ano ba yang pinsan mo masyadong nakaasa sayo."

"Ah eh may trabaho naman kasi yung pinsan kong yun kaya nga lang may kaliitan. Eh tutal naman dalaga ako kaya okey lang sa akin ang tumulong."

The word is DALAGA.

Yes isa akong dalaga... yun ang pagkakakilala nila sa akin pero actually dalaga naman talaga ako bumalik sa pagkadalaga after ma-null and void ng marriage ko four years ago. Oo nga balik dalaga nga ako pero hindi single dahil nagkaanak kami ng dati kong asawa.

Pero shhhhhh.... sikreto lang natin ito ha, kasi di naman alam dito sa Manila na nagkaroon ako ng asawa at anak. Akala nila single talaga ako as in.

Kahit itong boyfriend ko for almost a year na si Benedict, ang Presidente ng ad company na pinagtratrabahuhan ko... wala rin siyang idea tungkol sa nakaraan ko.

"Ahhh..." last night is super great one! Kaya yata super sakit ng ulo ko ngayon dahil sa dami ko ring nainom at alas-tres na kami ng madaling araw nakauwi.

Ding dong!

"Shet naman ang agad namang bwisitang yan."

Ayoko pa sanang ientertain kung sino man ang masa pintuan ng condo ko pero talaga nabibingi na ako sa kakadingdong non.

Hawak ang aking masakit na ulo ay tumayo ako sa sofa na hinihigan ko upang buksan ang pinto.

"Suprise!!!"

Bigla akong nagising sa nakita ko... teka gising na ba talaga ito o baka nanaginip lang ako.

Si Roland at si Rya!

Anong ginagawa nila rito?!

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now