The start of the ending - 35

2.1K 31 1
                                    

After 26 years...

Sa tuwing sasakay ako ng barko at makikita ang ganda ng dagat at dadamahin ang simoy ng hangin ay naalala ko ang isang pangyayari sa aking buhay 25 years ago...

"Mam hindi raw po makakarating si Sir Joey sa Cruise event sa Subic."
Isang opening Cruise opening kasi ang inosporan ng Victorina wines sa Subic ang Tito Joey ko ang naatasang dumalo sa event na iyon to represent Victorina.
"Hala paano ba ito?"
"Mam Vic kayo na lang daw po ang magpunta sa event."
"Ganon? Okey ganito na lang. Aatend muna ako ng meeting with the Estrellas and after that didiretso na ako ng Subic." ang sabi ko sa staff ko.
Pagdating ko sa dating advertising agency na pinagtratrabahuhan ay nagugulat ako kasi maski guwardiya at maintenance ay ni ngingitian ako at binabati ako sa muling pag-apak ko sa building na yun.
"Mam, babalik na po ba kayo rito?" ang tanong sa akin ng elevator girl.
"Naku hindi. May meeting lang ako rito."
Huminto ang elevator sa floor kung saan andoon ang conference room.
Ang silid kung saan ko laging pinapakita sa kanila ang kakayahan ko upang tawaging Queen of Advertising.
"Hi everybody!" ang sabi ko sa pagpasok ko sa conference room tapos nagkangitian kami ni Benedict.
"Our client Miss Victoria Zaragoza is already here we can now start the presentation." tapos ay inintroduce sa akin ni Benedict ang members ng kanilang team.
Natuwa ako sa presentation na ipinakita sa akin ng bagong Victorina Project team. Ginamit pa rin nila ang concept ko noon na nilagyan nila ng iba pang reasons to celebrate with Victorina Wines. Katulad ng isang promition, mga manggagawa nagsisave ng buhay ng ibang tao, tagumpay ng isang kaibigan na nagpapawiden ng market ng Victorina.
Unang umalis ang staff at naiwan kami ni Benedict sa loob ng conference room.
"Your new breed of advertisers are really good. Matatalino sila." ang sabi ko kay Benedict.
Tumango si Benedict, "Idol ka raw kasi nila. Nanginginig pa nga ang mga tuhod ng mga iyan nang malaman nila na ikaw ang client nila. Nakakapressure daw kasi ikaw ang Queen of Advertising."
"Naku hindi naman. Sabihin mo sa kanila na katulad din nila ako noong nagsisimula noon. Mukha pa ngang mas magagaling sila sa akin. Malayo ang mararating ng mga bata mo."
"Pero iba pa rin ang original na Queen of Advertising. What if I offer yun a bigger package para bumalik ka rito sa amin."
Umiling ako, "No need Benedict. Sa gagaling ng mga alaga mo hindi mo na ako kailangan. Idagdag mo na lang yang package na yan sa mga sweldo nila... para maslalo ma-inspire sa trabaho."
"What if I give you another offer?" ang tanong ni Benedict.
"Offer na naman."
"Come back to my life Vic and I offer you myself."
At natigilan ako sa huling offer niya na iyon.

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now