10

1.6K 23 0
                                    

Hindi na kaya ng puso ko ang mga nakikita ko kaya madali akong umalis sa rooftop na iyon at magbalik sa unit ni Vicvic.

Pagbukas ko ng unit ay naabutan kong tulog na sa sofa si Rya kaya binuhat ko muna siya upang pahigain sa kama.

Lumipas ang thirty minutes ang tagal nilang maglampungan na parang pusa sa rooftop na iyon.

Hanggang sa pumasok na rin si Vicvic... mukhang galing sa pagkasabunot ang buhok at nakatanggal pa ang ibang butones ng blouse niya. Halos lumuwa tuloy ang dibdib niya sa itsura niya. Huh obvious kung anong ginawa sa bubungan na iyon.

"Tulog na ang anak mo?" ang tanong niya sa akin habang umupo siya sa sofa at nagtanggal ng sapatos.

Napansin ko ang mapupula pang marka sa leeg at balikat niya.

"Mukhang malamok sa taas ha ang dami mong pantal."

"Oo nga eh."

"Pero mukha namang nasarapan ka sa pagkagat ng lamok na iyon."

Natigilan si Vicvic, "Pumanik ka ba sa taas? Sinilipan mo kami?"

Tumayo ako at pinigilan ako ni VicVic, "How dare you to do that to me? You are provoking my own privacy! Baka feeling mo asawa pa rin kita. Let me remind you Mr. Mababangloob hindi na kita asawa kaya kahit makipagsex pa ako sa ilang lalaki hindi mo ako madedemanda ng adultery at wala kang karapatan magselos. Tatay ka lang ng anak ko , period." Saka siya tumuloy sa kuwarto niya.

Nong gabing yun sa sofa ako natulog. Ayokong tabihan si Vicvic sa kama... Naaalala ko pa kasi yung ginagawa nila ng lalaking yun sa rooftop. Naiinis ako kahit dapat.

Naalala ko tuloy yung sa aming dalawa... ganon din kaya siya humalik sa lalaking yun.... humaplos... tumili...

Bad trip bakit ko pa kasi sila sinundan eh di sana hindi ako ganito ka-affected ngayon.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata... gusto kong matulog... gusto kong makatulog para makalimutan ko na ang mga nakita ko kanina.

Waaah!

Bigla akong napatayo sa sofa nang ginigising ako ni Rya. Napatingin ako sa orasan... puteek!!! late na ako sa training.

"Naku anak magtinapay ka muna sa almusal ha... teka lang maliligo lang ako."

Agad-agad akong pumasok ng kuwarto nang maabutan ko si Vicvic na kalalabas lang ng CR at nakatapi ng tuwalya.

"Hayop ka! Bakit di ka kumatok?"

"Sorry sorry malilate na kasi ako eh maliligo muna ako. Saka wag ka ng maconscious para namang di ko na nakita yan noon."

Kumuha siya ng isang unan at binato yun sa akin, "Bastos ka talaga."

Hindi ko na lang pinansin si Vicvic at dali-dali na akong pumasok ng banyo upang maligo.

Madalian din ang ang ginawa kong pagbibihis dahil bibili pa ako sa labas ng pandesal para almusal namin.

"Rya anak sandali lang ito ha. Bibili lang ako ng pande.."

Natigilan ako nang maabutan ko silang mag-ina na kumakain sa dining table.

"Parekoy kain na. Nagluto na si Mama ng almusal kanina pa mukha raw kasing mahimbing ang tulog mo kanina kaya di ka na niya ginising."

Napatingin ako lamesa, may ginisang corned beef at fried rice doon.

"Am kumain ka muna bago ka umalis. "

Napanganga ako... Parang biglang nagkaroon ng malaking himala...

Daig pa nito ang pagaaparisyon ng mga Santo sa langit...

Si Vic-vic pinagluto ako ng amusal?

Weh? Hindi nga?

"Wag ka ng magulat. Sa maniwala ka't sa hindi luto ko yan, yun nga lang hindi siya kasing sarap ng mga niluluto."

"A-ayos lang." ang sabi ko agad sabay upo sa dining table. Hindi ko na inaksaya ang pambihirang pagkakataong ito... Isinubo ko sa bibig ko... Ninguya ko ng pinong-pino at saka nilunon ang pagkain inihanda sa amin ni Vic-vic. Sayang nga lang at kailangan kong magmadali dahil mali-late ako sa training... Kung nagkataon talagang sasamsamin ko ang pagkakataong makain ang almusal na hindi.

"What do you think? Does it taste yuck?"

Umiling ako, "Hindi. Ayos nga eh. Masarap naman."

Ayos lang naman talaga ang pagkaluto ni Vic-vic... Pwede na para sa taong gutom pero siguro hindi naman ang lasa ang mahala ang importante dito kundi ang katotohanan na... Si Vic-vic ang nagluto na ito.

Kinikilig ako!

VICTORIA

"Good Morning Mam." ang bati sa akin ng mga staff ko.

Ningitian ko naman sila at nag-good morning na rin.

"Good Morning Sir Ben."

Natigilan ako... Kinabahan... Nanginig ang mga tuhod. Ko...

Si Ben... Andito siya... Papansinin kaya niya ako?

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now