34

1.9K 30 2
                                    


Roland

"You may now leave this house Roland." may nilabas na susi si Vic sa wallet niya at iniabot niya yun sa akin.

"Yan yung susi ng bago mong lilipatan na condo unit. Maganda naman yung studio type unit na lilipatan mo. Malapit lang sa pinagtritrainingan mo. Dont worry about the lease, pa-bonus na rin yan ng Victorina Project sayo."

"Paano si Rya?"

"Am... sa akin muna siya. Kasi dito malapit ang school niya at ako na ang bahalang maghatid sundo sa kanya. Gusto ko rin namang makabawi sa anak ko."

"Paglalayuin mo kaming mag-ama?"

Biglang umiyak ng malakas si Rya nang marinig niya iyon sa akin.

Yumakap siya sa akin ng mahigpit , "Mama wag niyo po kaming paghiwalayin ni Tatay."

"Rya hindi yun. Hindi ko kayo paghihiwalayin. Makakasama mo pa rin siya sa weekends eh."

Hindi nakinig si Rya at patuloy siya sa pag-iyak.

Kinilik ko si Rya at dinala ko siya sa loob ng kuwarto niya para patahanin.

Pagkatapos kong patahanin si Rya ay nakumbinse ko siyang magpalit ng pajamas upang matulog na.

"Tatay, kausapin mo si Mama ha. Pakiusapan mo siya na wag ka ng paalisin dito."

Tumango ako kay Rya, "Titignan ko anak. Titignan ko."

Paglabas ko ng kuwarto ay natagpuan ko si Vic-vic na nasa dining area at umiinom ng wine.

"Tumahan na ba siya?" ang tanong sa akin ni Vic-vic at saka niya ako inabutan ng isang kopita ng alak.

"Oo, pinatulog ko na rin." at saka ako umupo na rin sa dining katabi niya.

"I decided na palipatin ka na ng tinitirhan dahil sa tingin ko maling magsama tayo sa iisang bahay, hindi na tayo mag-asawa."

Tumango ako, "Dahil ba yun sa may nangyari sa atin."

"Yes." ang sagot niya, "I tried my best na hindi na ma-tempt sa ex husband ko pero marupok ako, na-fall pa rin ako."

"Mahal pa rin kita... mahal mo pa rin ba ako?" ang mapangahas kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin tapos tumulo ang luha sa kanyang mga mata, "Im afraid that Im still love you."

"Bakit ka natatakot? Magpakasal uli tayo. Vic-vic kahit isang daang beses tayo pakasal okey lang sa akin basta ikaw ang bride ko."

"Im afraid na baka ikaw pa rin ang Roland na nakilala ko non. Kasi yung Roland na iyon, sa totoo lang walang kapanga-pangarap sa buhay. Ni ayaw umasenso, kuntento sa isang kahid at isang tuka na buhay at ayokong maranasan ng anak ko yun. I want her the best of this life and I will try my best for my daughter kahit na ang kapalit non ay isakripsyo ko ang pagmamahal ko sayo. Dahil isa akong ina at prioridad ko ang magandang kinabukasan sa anak ko."

Napayuko ako sa sinabi ni Vic-vic sa akin. Bigla tuloy nagflashback sa akin ang mga sagutan namin nong nagsasama pa kami. Yung pinipilit niya akong mag-seaman pero ayoko naman dahil ayoko silang iwang mag-ina.

Tama si Vic-vic... ang pagmamahal hindi pamantayan diyan ang presensya mo. Pagmamahal din yung ano yung kaya mong tiisin para sa mga mahal mo sa buhay.

"Sorry kung naging pabaya akong ama at asawa sayo noon." mangiyak-ngiyak kong sinabi sa kanya.

Umiling siya sa akin, "No. Hindi ka pabayang ama at asawa. Ikaw nga ang pinakadakilang ama at asawa na nakilala ko. Kaya ko nga nabuo ang Victorina project kasi ikaw ang inspirasyon ko... siguro lang... hindi ka lang perfect pero youre the best. You are still the best." At saka ako niyakap nang maghigpit ni Vic-vic sa pagkakataong iyon.

Pagkatapos nang mahigpit na yakapan na iyon ay hinawakan ni Vic-vic ang magkabilang pisngi ko.

"Mahal na mahal kita Victoria."

Tumango si Vic-vic at saka niya ako hinagkan sa labi.

Habang magkalapat ang aming mga labi ay nararamdaman ko ang agos ng luha sa kanyang mga pisngi.

Bumitaw ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya, "Pangako. Pagbubutihan ko ang pagtratrabaho ko. Magiging proud kayo sa akin."

"Hindi ka pa nakakapanik ng barko proud na kami sayo."

"Pwes." at ako naman ang humawak sa magkabila niya pisngi, "Magiging mas proud kayo sa akin. Patutunayan ko rin si Lola mo na hindi siya nagkamali sa pagtitiwala sa akin this time."

Ngumiti si Vic-vic sa akin at saka ko siya hinalikan sa noo at niyakap uli ng mahigpit.

VICTORIA'S SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon