27

1.4K 20 2
                                    

Roland...

"Wow! Ang ganda naman po ng manika na ito Tito Benedict. Thank you po." at saka niyakap ni Rya si Benedict at nagtuloy sa kuwarto para laruin na ang mga laruang pasalubong sa kanya ng Mokong na ito.

Huh! Akala niya close na sila ng anak ko dahil nabigyan niya ng imported na manika.

"Am, Roland, look here binili rin kita ng T shirt." ang sabi niya sa akin.

"Naku po wag na." Hindi ako tumatanggap ng regalo mula sa aking mga kaaway.

"No Pre. Binili ko ito para sayo. Sa tingin ko kasi bagay sayo ito."

ang pilit pa sa akin ni Benedict.

"Oo nga Roland. Bagay sayo yung kulay ng shirt." ang sabi ni Vicvic.

"Sabi mo eh." tapos ningitian ko si Vic-vic at kinuha ang shirt. "Salamat Brad."

"I saw your presscon interview."

Natigilan ako sa sinabi ni Benedict.

"That was a very well said. Ang gaganda ng feedbacks sayo ng mga tao. Isang amang wagas kung magmahal hindi lang sa anak niya kundi sa dati niyang asawa na nang-iwan sa kanya."

Napatingin ako kay Vic-vic. Nakayuko siya at nakaramdam ako ng tensyon sa mukha nito.

"Alam mo yung ex wife mo, yung Mama ni Rya ang malas at ang swerte niya. Ang swerte niya kasi isang tulad mo na understanding, gentleman at responsableng lalaki ang nagmamahal sa kanya at ang malas niya kasi iniwan ka niya. At sobrang malas niya kapag mauntog ka at ipinagpalit mo sya sa iba."

"Di ba sabi ko naman di ko na magagawang ipagpalit siya sa iba dahil ganon ko siya kamahal." sinulyapan ko si Vic-vic hindi pa rin siya makatingin sa akin.

"Pare kapag pinasok mo ang showbiz mas marami kang makikitang mas maganda kesa riyan sa ex mo."

Umiling ako, "Brad wag na natin siyang pag-usapan."

Dahil nakikita kong hindi na kinakaya ni Vic-vic ang tensyon.

"Ah ganon ba? Di pa rin maka-move on? Sensya na Dude ha, napabilib lang kasi ako sa wagas na pag-ibig mo."

Kinuha niya ang kamay ni Vic-vic at hinaplos ito ,"Kaya nga itong si Victoria, yung pagmamahal ko dito. Wagas din."

Ako naman ang biglang di nakatingin. Ang sakit-sakit.

Biglang inalis ni Vic-vic ang kamay niya kay Benedict, "Before I forgot, we need to go to the office. May meeting pa tayo sa isang client remember?"

"Ay oo nga pala."

"Sige Maghahanda lang ako sa pagpasok." tumayo si Victoria at saka pumasok ng kuwarto.

"Am, maghahanda lang ako ng pananghalian." nagtuloy naman ako sa kusina.

Ang awkward. Kaming tatlo. Kung alam ni Benedict na ang babaeng wagas kong minamahal ay ang babaeng hawak niya ang kamay... ano kayang magiging reaksyon niya?

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now