36

2.3K 35 1
                                    

"Come back to me..."
Tinignan ko ng diretso si Benedict at ningitian ko siya.
"Im so lucky to have you Benedict dahil na sa iyo na ang lahat ng qualities na pinapangarap ng isang babae." bumuntong hininga ako, "But Im sorry I cannot accept your offer, masaya na ako Benedict, masaya na ako kasama si Rya... kasama ang Tatay ni Rya."
"Pero hindi mo siya kasama ngayon, kaya mo bang palakihin si Rya na mag-isa?"
"Oo naman. Nakaya kaya yun ni Roland nong nawala ako sa kanila kaya for sure kaya ko rin. Saka kahit nasa trabaho si Roland di naman kami non pababayaan eh, mahal na mahal kami nong Mokong na iyon."
Ngumiti si Benedict, "Hindi mo na talaga ako kailangan sa buhay mo."
"Kailangan kita para sa marketing ng Victorina Benedict. Im sorry, I know I hurt you a lot pero... mahal ko si Roland."
Ngumiti si Benedict, "Im just so happy knowing that you are happy."
"Thanks Benedict and I pray na sana matagpuan mo rin ang babaeng mas deserving sa pagmamahal mo."

Madalian naman ang event na ito kaya dumampot na lang ako ng isang gown sa cabinet ko at saka ako umarangkada papunta ng Subic.
"Hey Rya, Baby. May out of town commitment lang si Mama, doon ka muna sa Lola mo ha."
"Okey lang po Mama, wag po kayong mag-aalala sa akin."
"Sige I love you anak Bye." at nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Nang makapasok ako sa Subic ay huminto ako sa isang gasolinahan don. Isinara ko muna ng blinds ang sasakyan ko at nagpalit ng gown. Dahil wala na rin akong time mag-ayos ng buhok ay hinayaan ko na lang nakalugay ito at saka ako naglagay ng make up.
After kong mag-ayos ay nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa Port Area kung saan nakalulan ang sinasabing bagong Luxury Cruise sa Pilipinas.
Ang MV Pearl of Ocean...
Ang luxury cruise na iikot at magdadala sa kanyang mga pasahero sa magagandang lugar dito sa Pilipinas from Luzon to Mindanao.
Bumaba ako ng sasakyan ko at sinalubong ako ng isang crew doon, "Miss Victoria Zaragoza of Victorina Wines."
"Pls follow me..."
Sinundan ko naman ang Cruise crew na nag-assist sa akin nagtataka ako dahil hindi ako sa ball dinadala ng crew kundi sa mga suite area nila.
"Miss are you touring me around the cruise?"
Ngumiti lang ang crew at binuksan niya ang pintuan ng isang suite.
"Miss Victoria siya po si Lyna, ang mag-aayos sa inyo."
"Mag-aayos? Im sorry do I look like a mess pasensya na ha ako lang kasi ang nag-ayos sa sarili ko kasi proxy lang ako ng Tito ko."
Umupo ako sa harapan ng salamin at sinumulan akong ayusan ng make up artist.
"Wow ang galing. Buti na lang andito ka." ang sabi ko ng matapos akong ayusan.
"Mam may kulang pa po." at itinuro niya ang suot kong gown, "Kailangan po nating palitan yan."
"Napaka-matikulosa naman nitong event na ito. May dress code ba?"
"Sa inyo po meron." at saka inalis ng makeup artist ang tela sa tinatalakbungan nitong mannequin.
Napanganga ako sa maputing kumikinang na mermaid style gown na iyon.
Tinignan ko ang suot kong black na gown, "Im sorry nakakahiya na di naman kasi nakalagay sa invitation na white pala ang dress code dito sa party na ito."
Tinulungan ako ni Lyna na suotin ang puting gown na iyon.
Paglabas namin sa Suite ay nagtuloy kami sa ballroom area kung saan...
Kung saan walang tao?
"Where are the people?"
"Hinihintay po nila kayo." at saka inabot sa akin ni Lyna ang isang bouquet.
Biglang bumukas ang pintuan ng ballroom at nagpalakpakan ang mga tao.
Nagulat ako ng makita ko si Rya na nakasuot din ng gown at lumapit sa akin.
"Mama..."
"Rya anak anong ginagawa mo rito..."
Itinuro ni Rya ang stage ng ballroom kung saan andon si Roland... nakasuit ng puting suit.

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now