3

2.3K 35 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa bola....

Pesteng bola yan....

At pesteng Suzanne na yan, ang kaibigan ko nong college na naghila sa akin upang manood ng liga nila sa basketball.

Nag-aaral ako sa isang exclusive for girls na university non nang hilahin ako ni Suzanne na manood ng liga sa isang gym sa kanto na malapit sa school gusto daw kasi niyang makita ang crush niyang cute.

Ayoko ngang sumama hindi naman kasi ako naniniwalang may cute sa liga na iyon... what I will see there are only kanto boys, tambays na ayaw pumasok sa school.

Pero talagang mapilit si Suzanne dinala niya ako sa maliit at medyo mabahong basketball court na iyon. At tama ang hula ko... wala akong makitang cute... ang nakikita kong naglalaro ron ang mga lalaking nakahubo na mukhang mabaho.

Ito namang si Suzanne tili ng tili eh wala nga akong makitang cute. Hindi kaya may third eye lang itong friend kong ito at may nakikita siyang pogi na di ko nakikita?

"Nasaan pa yung cu..."

Bog!

"Aaaw!!!"

Pesteng bola yun! Sinapol ang ulo ko.

"Miss? Ayos ka lang." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

Nakaputing T-shirt siya, may pagkasingkit ang nga mata, moreno and he's cute.

Cute ba talaga o nahihilo lang ako dahil ang lakas ng tama ng bola sa ulo ko?

"A-ang cu.." bigla na lang akong nawalan ng malay sa sobrang pagkahilo.

"Ahh.... ah...." bat ang sarap-sarap namang umupo sa upuang yun.

"Ahhh.... ah.... ahching!"

Anong klaseng amoy yun? Allergic ata ako.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay may isang bulak na nakatapat sa amoy ka at bumungad sa akin ang mukha ng cute na lalaki kanina at nilalagyan niya ng yelo na nakabalot sa tuwalya ang bukol ko sa noo.

"Buhay ka friend!" ang sabi ni Suzanne na may kasamang matangkad at tisoy na lalaki na nakaputing T-shirt din.

"Anong amoy yan? Allergic ata ako."

Inalis nila sa tapat ng ilong ko ang bulak na iyon.

"Mukha ngang allergic ka sa amonia." ang sabi ng lalaki.

Pero teka bakit ba sobrang close ko ata sa lalaking ito halos magdikit na ang mukha namin ha at nakahilig pa ako sa balikat niya. Napatingin ako sa sarili ako at bigla akong napatayo nang marealize kong nakaupo ako sa kandungan niya.

"Oh... Oh..." hilo pa yata ako dahil na a-out of balance kaya inalalayan niya ako uli upang umupo sa tabi niya.

"Miss hilo ka pa. Sorry pala kanina ha at natamaan kita ng bola. Nagkabukol ka tuloy." hinipo niya ang bukol.

Napatingin ako sa kanya ngayon lang kami nagkita pero parang wala lang sa kanya kung umupo ako sa lap niya, humilig sa balikat niya at may matching pahipo-hipo pa siya sa noo ko. I think touchy siya well buti na lang cute siya.

"Salamat din sa pag-aalaga." ang sabi ko sabay dinampi ko ang yelo sa noo ko.

"Am... Roland may klase pa tayo." ang sabi ng tisoy na lalaki na katabi ni Suzanne.

Napatingim siya sa relos niya at sala sinuot ang puting polo na pang uniform na marine na nakasabit sa isang upuan don.

"Naku Jason, Roland thanks sa pag-aasikaso sa friend ko ha."

ang sabi ni Suzanne.

"Ano ka ba kasalanan ko nga kung bakit nagkabukol ang kaibigan mo eh. Ano nga pa lang name mo?" ang tanong niya sa akin.

"Victoria but you can call me Vic."

"Vic? Parang panlalaki naman yun. Vic-vic na lang para medyo pambabae."

Vic-vic? Parang medyo jologs ata yun pero sige exclusively for him pwede niya akong tawaging Vic-vic.

"Vic-vic." back to present time,"Saan kami matutulog?" ang tanong sa akin ni Roland.

Oo nga pala pangsingle lang pala ang unit ko at ang kama although king size siya eh hindi naman ako komportableng tabihan ang dalawang ito. Hay bakit pa kasi niya naisip gawing boarding house ang unit ko.

"Am... kayo na lang mag-ama sa kama sa sofa na lang ako."

"Naku ang pangit naman yata nun. Kayo na lang mag-ina sa kama ako na lang sa sofa."

Hinila ni Rya ang T-shirt ng tatay niya at umiling siya.

Bata pa si Rya siyempre ayaw niya akong katabi dahil nangingilala pa siya sa akin.

"Paano ba yan ayaw ng anak mo?"

"Am baka naman pwedeng tabi na lang tayong tatlo sa kama?"

"What!"

"Wag kang mag-aalala hindi kita aanuhin pagigitnaan natin si Rya." ang sabi pa niya.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Roland sa mahigit tatlong taon naming pagsasama bilang mag-aasawa ay kilala ko na ang attitude nito pagdating sa kama. Maidikit ko lang ang balat ko sa balat niya automatic na mag-iinit na yan. Ako naman akong ito sa babae siyempre inlove at marupok pumapayag naman.

Napahawak ako sa sarili ko paano kung kalibitin ako nito... mahina pa naman ako sa tukso.. baka mamaya bumigay na naman ako... at baka hindi lang katawan ko ang bumigay pati na rin ang puso ko.

Inay ko po! Kung mangyari pabalik na naman ako sa paghihirap at pagdudusa ng dahil sa pag-ibig. Naku po ayoko na!

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now