24

1.4K 26 2
                                    

Roland

"Nakuha ko ang concept na ito mula sa isang taong naging bahagi ng buhay ko."

Napatingin ako kay Vic-vic sa sinabi niyang iyon.

"Kasi humahanga ako sa kanya dahil sa kabila ng hirap at sakit nagawa pa rin niyang maging magaling at responsableng ama sa kanyang anak. Bilib ka bilib ako sa pagpapalaki niya sa anak niya. Napaka-hands on niya na tatay. Katulad ni Roland, single father din siya, iniwan ng taong inasahan niyang makakatuwang niya sa hirap at ginhawa. Pero sa kabila ng sakit na iyon, di pa rin siya sumuko sa buhay. Nagpakakatatag siya para sa anak niya. Kung alam lang ng taong yun na sa kabila ng lahat nagpapasalamat ako sa kanya sa pagiging napakabuti niyang ama. Ang malas nga lang niya at nagkaroon siya ng ex wife na immature." napansin ko ang luha sa mga mata ni Vic-vic at pinunasan niya ito ng tissue, "I'm sorry for being too emotional, yun lang. Yun lang ang masasabi ko Thanks."

Nakita kong unang pumalakpak sa kanya si Donya Victorina at sumunod ang press people na nakapaligid sa akin.

Kung pwede ko lang sagutin ang mga sinabi niya sasabihin ko sa kanya na kung naging mabuting ama ako ngayon kay Rya ay iyon ay dahil din sa kanya.

Naniniwala akong hindi siya masamang ina dahil sinuportahan pa rin niya si Rya. Kumpara lang sa akin, ibang klase nga lang ng pagmamahal ang binibigay niya sa anak namin.

After ng presscon ay nagtuloy kami sa Victory party kung saan idinaos ito sa isang bar. Kaya nagvolunteer si Donya Victorina na matulog muna sa kanila si Rya at umattend kaming dalawa ni Vic-vic sa party.

Napansin ko noong gabing iyon ay madami-dami na rin ang naiinom ni Vic-vic kaya pinipigilan ko siya.

"Vic, tama na." ang pigil ko sa kanya.

"I'm okey. Let's celebrate di ba kasi tagumpay yung launching natin kanina."

"Lasing kanina. Alam mo buti na lang nasa ibang bansa si Benedict baka kundi baka sinamantala na non yung kalasingan mong yan."

Nagpunta kasi si Benedict sa Singapore sa isang conference don kaya di na siya nakapunta sa launching.

"Alam mo buti na nga lang kasi di pa ako nakikita nong tipsy kasi kung nagkataon... itatakwil na ako non. Because I'm such a big liar."

Bigla kong tinakpan ang bibig ni Vic-vic. Lasing na nga ito.

"Di mo na alam yung sinasabi. Umuwi na tayo bukas na lang natin uuwi sa condo si Rya." Inakay ko si Vic-vic at nagpaalam kami sa mga kasamahan niya sa opisina.

Pagdating naman sa condo ay binuhat ko si Vic-vic at pinahiga sa kama. Kumuha ako ng basang tuwalya upang punasan siya.

"Alam mo nakakainis ka... sa kabila kasi nang ginawa ko sa inyong mag-ama noon inaalagaan mo pa rin ako at prinoprotektahan. Maslalo mo tuloy akong pinapaguilty." ang sabi ni Vic na medyo may tama pa.

"Wag ka ng ma-guilty. May narating naman ang buhay mo. Kung nagkataon siguro na mas pinili mo ako at isang kahid isang tuka pa rin tayo ngayon panigurado ako naman ang magiguilty kasi hindi kita mabigyan ng maginhawang buhay."

"No... hindi yun Roland. Im wrong, I'm very wrong dahik selfish akong ina at asawa. Dahil ako itong maarte at di nakuntento sa buhay na kaya mong ibigay sa akin. Kung naipaglaban lang kita."

"Shhh..." nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ni Vic, "Tama na."

Napatingin ako sa labi niya. Namimiss ko na iyon. Namimiss ko na siyang halikan. Di ko tuloy maiwasan na haplusin ng daliri kong yun ang kabuuan ng labi niya.

Napapikit siya tapos binuka niya ang labi niya at marahang kinagat ang hintuturo ko.

Bigla nabuhay ang pagkakalalaki ko sa ginawa niyang iyon kaya inalis ko agad ang daliri ko sa labi niya.

"Am.... magpahinga ka na."

Patayo na ako ng kama niya nang bigla niya akong hinablot at hinagkan sa labi ko.

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now