26

1.3K 22 2
                                    

Roland

Kasabay na narawak ang puso ko sa pinggang hawak-hawak ko.

Biglang napahinto ang dalawa sa pagtutukaan at parehas silang napatingin sa akin.

"S-sorry." pinulot ko agad ang nabasag kong pinggan at sa pagiging taranta ko ay nasugatan ang isang daliri ko.

"Oh my... its blood."

To the rescue na lumapit sa akin si Vic-vic at tinignan ang sugat ko.

"Kukuha lang ako ng Betadine at bandaide." tumayo si Vic-vic at agad kumuha ng gamot para sa akin.

"Dude are you okey?"

Palapit na sana sa akin ang Mokong kaya agad ako tumayo, "A-yos lang ako Dude." tapos bumalik ako ng kusina at binuhusan ng tubig ang sugat ko.

Ang sakit-sakit... hindi ng sugat sa daliri ko kundi sugat sa puso ko. Hindi ko mapigilang maluha sa mga nakita ko habang pinapadaloy ko ang tubig sa kamay ko.

"Roland let me put...." pumasok si Vic-vic sa kusina dala-dala ang mga gamot "Oh my G... umiiyak ka ba?"

Hindi ako sumagot. Suminghot lang ako ng suminghot na kunwari may sipon ako.

"Shocks super sakit ba?" tinignan ni Vic-vic ang sugat ko ko sa daliri at dinampian ng Betadine.

"Sobrang sakit..."

Natigilan si Vic-vic. Parang na-gets niya ang ibig kong sabihin.

"Ang sakit-sakit Vic-vic."

Tinapalan niya ng band aid ang daliri ko, "Gagaling din yan. Maliit na sugat lang yan."

"Hindi lang siya maliit." ang sagot ko.

Napabuntong hininga si Vic-vic at dahan-dahang binitawan ang kamay ko.

"Please tama na... hindi na kita asawa." at saka siya bumalik ng salas para kay sa lalaking yun.

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now