17

1.3K 30 2
                                    

Victoria. .

Nakita kong napaatras si Roland at pinauna niya na si Rya papunta sa akin.

"Here's Rya." ang sabi ni Benedict at napatingin naman si Lola kay Rya.

Kinabahan ako.... tinititigang mabuti ni Lola si Rya.

"Rya." saka agad kinuha si Rya at hinarap kay Lola.

"Ang gandang bata." sabi ng talent coordinator, "Pamangkin mo."

"Yes daughter siya ng pinsan ni Victoria na si Roland."

Buking! Napatingin ako kay Lola at napayuko. Paano ko ito ipapaliwanag kay Lola.

"So ikaw pala si Rya." ang sabi ni Lola kay Rya.

Tumango si Rya, "Opo. Hello po."

"Rya magmano ka kay Lola."

At sumunod naman sa akin ang bata.

"Sa tingin ko nakita na natin ang hinahanap nating bata para sa Victorina commercial. She's perfect in the project." ang sabi ng coordinator.

"No!" ang sabi ko, "Not Rya."

"I think he's right. Rya is perfect in our ads." nagulat ako sa pagsecond demotion ni Lola, "Saka mas matipid din at mas nakakatuwa kung sarili nating kadugo ang ilalagay natin sa commercial."

"That's a bright idea Madam!"

Lola? What are you saying? Anong balak mo sa anak ko?

"Siguro dapat ko pong ipagpaalam muna ito sa Tatay niya." ang sabi ko sa kanila.

"Sa tingin mo ba tututol ang Tatay niya? Sa tingin mo ba tututol siya sa kagustuhan ko?"

Bumuntong hininga ako.

"Lola can we first talk about this? Sa bahay."

Tumango naman si Lola, "Okey see you later. I think marami kang sasabihin sa akin Victoria. Sana isama mo rin si Rya sa pagdalaw sa akin mamaya."

Tumango ako, "Yes Lola."

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now