30

1.6K 30 1
                                    

Victoria...

"Shet!''

Napatingin sa akin sina Lola at Rya sa sinabi kong iyon.

"N-naku... ano kasi..." sabay dampot sa mga pinagbihisan namin ni Roland.

"Am... may hinahanap kasi kami kanina na... polo kaya nilabas namin kanina yung laundry basket. Napagod na kami kasi sa paghahanap kaya di namin magawang ibalik sa laundry basket itong mga ito." yun. Don't know if it is a good lie.

"Si Roland?"

"Pumasok po sa train.."

"Good morning po."

Nagulat ako nang nakatayo na pala sa likuran ko si Roland.

"Ay papasok pa lang pala." ang nasabi ko na lang.

"Roland." at inabot sa kaniya ni Lola ang isang paper bag.

"Binili na rin kita ng damit na gagamitin mo sa launch. Tignan mo kung kasya sayo at kung hindi papalitan mo na lang sa mall.

"Salamat po."

Dahil sa pasasalamat na rin ni Roland sa binigay ni Lola sa kanya ay ipinagluto niya ito ng masarap na corned beef omelette at sinangag.

Ako naman hindi ako makapagsalita at makakilos ng maayos sa harapan ni Lola dahil sa iniisip ko kung ano ang iniisip niya sa amin ni Roland.

"Masarap ka nga talagang magluto Roland." ang bati ni Lola sa mga niluto niya.

"Now I understand Victoria kung bakit inlove na inlove siya sayo."

Nayuko ako. Double meaning ata yung sinabi ni Lola.

"Thank you po Lola."

"Sabi ko naman sayo Lola talagang masarap magluto ang Tatay ko." ang pagmamayabang ba ni Rya sa Lola niya.

"La pasensya na kung naabutan nyong magulo ang bahay kanina." in other words Lola sorry may nangyari sa amin ng ex ko.

"I understand." ang sabi ni Lola .

"Lola di na po mauulit."

Napatingin sa akin si Roland na parang na-offend sa sinabi ko.

"Anong di mauulit Mama yung magulo ang bahay?" ang curious na tanong ni Rya.

Huh! Ang hirap talaga kapag rated SPG at nasa harapan kami ng isang bata.

"Am Rya, sa tingin ko kailangan munang mag-usap nila Mama at Lola. Doon muna tayo sa pool." nilabas ni Roland si Rya sa loob ng condo.

"Thats not my concern Victoria." nagulat ako sa sinabi ni Lola. Wala siyang pakialam. "Inaamin ko noon takot na takot ako nang malaman kong may boyfriend at mukhang mahal na mahal mo ang lalaking yun dahil napakabata mo pa non. You are unexperienced at di mo ba nararanasang magtrabaho. At ngayon Im sure your old enough para mamili kung sino ang makasama mo sa buhay. May tiwala na ako sa mga decisions mo dahil alam kong nagmature ka na at natuto ka na sa buhay."

"Ang inaalala ko lang eh kung kayang mong panindigan ang mga actions mo." ang sabi niya sa akin.

"Lola, yung sa amin ni Roland, sex lang yun."

"Sex lang ba yun o talagang mahal mo pa siya? Hindi naman problema kung mahal mo pa siya, mabait naman si Roland at kaya ka na niyang panindigan pero let me remind you iha, hindi siya ang may hawak sayo ngayon. How about Benedict? And your workplace they doesnt know about your real relationship with Rya and Roland. Nasasaktan mo si Benedict at nasasaktan mo na ang mag-ama mo."

Tumango ako. Hindi na tama. Unfair ako hindi lang sa mag-ama ko kundi na rin kay Benedict.

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now