Lesson Number Twenty Two - 2

523 8 0
                                    

"Nica, maaari ba tayong mag-usap?" nakasimangot na lumingon si Monica. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nainis. Dahil ba nakita niya sina Rio at Hermione na magkasama? Dahil ba alam niyang may pagtingin si Hermione kay Rio? Dahil ba nakangiti ang mga ito sa isa't isa? O dahil umasa siya na siya ang lalapitan ni Rio? Marahil ay niyaya na ng freak na iyon na maging partner si Hermione sa SEBA Night.

Buwisit na freak! Bakit ba siya umasa?

"You are spacing out, are you okay?" nabalik ang naglalakbay na ulirat ni Monica nang may muling magsalita sa kanyang likuran. Nang lumingon siya ay nakita niya si Allen na tila nagugulumihang nakatingin lamang sa kanya.

 "You really like him, right?"

"Huh?" kunot noo niyang tanong.

"Gusto mo nga talaga siya," tumawa ito ng bahagya. "Minsan ay iniisip ko na baka nadadala ka lamang ng atraksyon dahil palagi kayong magkasama. Ano nga naman ang laban ng patpating tulad ko sa isang gaya niya? Seeing the two of you together, it's just different. I'm wrong..."

"Allen!" pagpuputol niya rito. Mukhang gusto na naman nitong buksan ang usaping kanyang iniiwasan.

"Listen, Monica," anito saka huminga ng malalim. Malalalim din ang mga mata nito sa likod ng makapal na salamin. Pinagmasdan niya ang mukha nito. She realized that he's not the same old Allen that she used to know. Sa kabila ng maiitim na linya sa ilalim ng mga mata nito ay nakikita niya ang kakaibang apoy— determinasyon. Noon ay mahiyain ito at hindi ganoon kadali para rito ang magpahayag ng iniisip, ngunit tila nag-iba na ang ihip ng hangin.

"I just came here to tell you that my only wish is for you to be happy. I know you are smart and strong and you can handle yourself but I still hope that you will take care of yourself, especially your heart. May sariling utak pa naman iyang puso mo, mahirap turuan at pasunurin. You have to be happy, that's all I ask." Muli itong ngumiti at sa pagkakataong iyon ay genuine ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay tinalikuran na siya nito at naglakad papalayo. Pinagmasdan lamang niya ang papalayong pigura habang laglag ang mga panga. Hindi niya inasahan na magiging ganoon kakalmado ang pagsasabi sa kanya niyon ni Allen. Malapit na ito sa may pinto ng Event Center kung saan gaganapin ang SEBA Night nang habulin niya ito at yakapin mula sa likuran. Naramdaman niya ang bahagyang paninigas ng katawan nito at ang paghigit nito ng hininga. Lalo pa niyang isiniksik ang kanyang mukha sa likod ni Allen.

"I miss you, bestfriend. Sobra!"

"I know. But you also have to know that once you have realized that you are in love with someone, you can just see her again, you can't just be friends. Pero alam mo ba kung ano ang na-realize ko, I can't live without my best friend, too."

Naramdaman na lamang ni Monica ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Tila muling nanumbalik ang napilay na bahagi ng kanyang pagkatao.

"Hindi ko rin kaya na wala ka. Alam mo bang gustong gusto ko nang sumugod sa bahay ninyo para batukan ka dahil hindi mo ako pinapansin? Nakakainis ka, Aldred Allen Alonzo!"

Kinalas ni Allen ang nakapulupot niyang braso at hinarap siya.

"Huwag ka ngang umiyak, ang pangit mo, Nica," anito at humalakhak pa.

"I'm sorry for what I have said and done. Rio is a good man, mali tayo ng unang pagkakakilala sa kanya."

Naitaas ni Monica ang isang kilay dahil sa sinabi ni Allen.

"Nakita ko kung paano niya ginusto na pasukin ang mundo mo, Nica. Hindi siya kasing sama gaya ng inakala natin noon, he'll surely take care of you."

Naramdaman ni Monica ang pagdaloy ng mainit na pakiramdam sa kanyang pisngi ngunit kaagad din iyong nawala nang sumagi sa isip niya ang nasaksihan kani-kanina lang.

"You are worried of something, nakakunot na naman ang noo mo. Wala kang dapat ikabahala," anito at ginulo gulo ang kanyang buhok.

"Sige na, may gagawin pa ako," pagkatapos ay iniwan na siya nito. Bumalik na lamang siya sa kanyang station kung saan gumagawa siya ng paper flowers na gawa sa papel de hapon para sa SEBA Night.

Ngunit habang gumagawa niyon ay nakalutang naman ang kanyang isip. Maging ang utak niya yata ay naliligaw na rin.

Then a realization struck her.

She realized that falling in love is not as easy as learning A B and C or how to count from one to ten. It's more complicated than solving accounting problems or winning taekwondo matches. Falling in love is more than those. There are no rules, no steps, no lessons to solve the mystery on why the heart pounds. You will just know.

And she knew that she's in love and it's damn complicated. She's in love with her tutee. If she can't teach her heart to fall out of love, then surely, she can't also teach him to fall for her.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon