Lesson Number Twenty One

589 9 2
                                    

          ...♥...

NAGISING si Monica sa malakas na halakhakan. Nang pumasok sila ni Rio sa bahay ay dumeretso siya sa kanyang kuwarto at nagkulong doon, hindi na niya namalayan na nakatulog pala siya. Nang tingnan niya ang bintana ay madilim na sa labas.

Lumabas siya ng silid at dumeretso sa salas. Maliit lang ang kanilang bahay kaya hindi mahirap na puntahan iyon. Nakita niya roon ang kanyang ama at si Rio. Naglalaro ang freak na iyon ng sungka, kalaban nito ang kanyang kuya Nicolo. Nakasimangot na tinawag niya ito. Ni hindi niya alam na umuwi na pala ito.

"Superman!"

"Monica, halika ka rito. Ang galing pala nitong kaklase mo," nakangiting wika ng kanyang kuya. Mukhang magkasundo ito at si Rio.

"Natalo nga ako ng batang ito kanina," ani ng kanyang tatay at inakbayan pa si Rio. Kunot noong nilingon niya ang nakangising si Rio. Ngiting tagumpay ang loko. Mukhang nahuli nito ang kiliti ng kanyang pamilya. Ano kayang binabalak ng freak na ito at pati personal niyang buhay ay pinapasok nito?

...♥...

"'NAY, nasaan si Rio?" tanong ni Monica. Kanina pa niya hinahanap ang freak na iyon ngunit hindi niya matagpuan. Malapit nang sumikat ang araw. Saan naman nagpunta ang isang iyon?

Hindi pa naman nito kabisado ang kanilang lugar.  Baka kung saan ito mapadpad.

"Pumalaot ang batang iyon, mangingisda raw. Susubukan daw niya," sagot ng kanyang ina saka nito binalingan ang hinuhugasang pinggan.

"Sino'ng kasama? Baka ano'ng mangyari sa freak na iyon. May pagka-engot pa naman iyon," ani Monica ngunit sa loob niya ay nakadarama siya ng kaba. Ngunit hindi rin niya maiiwasang ngumisi. Ngayon ay mararanasan na nito ang klase ng buhay mayroon ang isang 'basurang' gaya niya. Bigla ay nagkaroon siya ng ideya.

"Alam ko iyang ngiti mong iyan, Monica. Kung anuman  iyang binabalak mo ay huwag mo nang ituloy. Mukhang malinis naman ang intensiyon sa iyo ng batang iyon," kinakabahang wika ng kanyang ina.

"Huwag kang mag-alala, Nanay. Wala naman akong balak na masama," ngumisi siya nang bahagya at nagmartsa na palabas ng kusina. Humanda talaga si Rio Jed Nolasco, mukhang nadagdagan ang listahan sa kanyang lesson plans.

...♥...

Bago pa man sumikat ang araw ay naka-abang na si Monica sa tabing- dagat. Nakagawian niya na rin na sumalubong sa kanyang ama sa tuwing umuuwi siya sa probinsiya. Kaagad niyang namataan ang kanilang bangka na ipinangalan pa sa kanya.

"Sinundo mo pa talaga ako, na-miss mo ako, ano?" nakangising wika ni Rio nang bumaba ito mula sa bangka. Hindi niya ito binigyang pansin, bagkus ay tinulungan na lang niya ang kanyang kuya na ibaba ang mga banyerang naglalaman ng mga huling isda.

"Huwag kang ambisyoso, Airy Arrogant Freak. Hindi ikaw ang ipinunta ko rito." Ismid niya at hinagisan ito ng tuwalya.

"Kami na lang po, Itay, ang magdadala nito sa palengke," ani Monica sa kanyang ama, tinitigan lang siya nito na may halong pagdududa.

"Mabigat ang mga ito, anak, saka hindi pa dumarating ang tricycle ni Mang Ador,"

"Sus, hindi problema iyon, Tatay, si Freak na bahala diyan, 'di ba, Freak?"

"Ano?" gulat nitong wika.

"Nagrereklamo?" pagngisi pa niya.

"Hindi, sabi ko nga," ani Rio at binuhat na ang isang banyerang puno ng isda.

"Uwi na kayo, Kuya, kami na ang bahala rito," aniya at tinaboy pa ang kapatid.

"Sigurado ka?"

"Sure na sure," nginisihan niya ang kapatid. Naiiling na lang ito na niyaya na ang kanilang ama pauwi sa bahay.

Perseverance, huh? Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mo, Rio Jed Nolasco.

...♥...

Tatlong banyera ang isinakay ni Rio sa convertible niyang kotse. Anak ng tokwa! Nag-aamoy malansa pa ang kanyang sasakyan. Bahagya siyang nakadama ng inis.

Nakangisi namang lumapit sa kanya si Monica. Tila may naglalarong kalokohan sa isipan nito— may pinaplanong hindi maganda. Katulad ito ng mga ngiti nito noong tutor niya pa ito.

"Ang baho mo, Freak. Kaamoy mo na ang kotse mo," nanunuya pa nitong wika saka sumakay sa passenger's seat. Basang-basa ang t-shirt niyang suot at totoong kumapit na sa kanya ang amoy ng dagat kaya't hinubad niya muna ang kanyang pang-itaas bago pumasok sa driver's seat. Mabilis na umiwas ng tingin si Monica. Hindi rin nakatakas sa gilid ng kanyang mga mata ang paglunok ni Monica at ang pamumula ng pisngi nito. Bahagya siyang napangisi.

Mukhang balak siyang paglaruan ni Monica kaya't sasakyan na lamang niya ang trip nito hanggang sa ito na mismo ang sumuko at nang makuha na rin niya ang bagay na gustong gusto niya noon pa man.

Patience and perseverance ba? Sisiw lang iyon!

.......

Nahigit ni Monica ang kanyang hininga nang matanaw niya ang papalapit na pigura ni Rio. Hubad-baro ito at buhat- buhat ang ilang bigkis ng malalaking kahoy mula sa malapit na bundok. Nagkayayaan kasi ang kanyang mga pinsan na mamasyal at mangahoy na rin at nagprisinta naman si Rio na sumama. Mukhang may nais nga yatang patunayan ang isang ito.

"Hindi pa rin pala umaalis ang alaga mo."

Napapitlag si Monica nang marinig ang pamilyar na boses, ngunit ibang iba na ito sa nakasanayan niya. Ngayon ay malalim ito at hindi niya mawari ang eksaktong emosyong gusto nitong ipahatid. Tila may bahid ng galit sa pananalita nito.

"Allen?"

"You used to hate him. Ano'ng nangyari, Monica? I have faith in you. I have faith in our friendship, hindi ko akalain na mababaling pala sa iba ang atensiyon mo." Narinig niya ang pagtawa nito ng pagak. Pakiramdam ni Monica ay sumisikip ang kanyang dibdib. Nadarama niya ang sakit sa boses ni Allen, malaki ang naging epekto ng mga nangyari dito.

"Kahit forever na lang akong bestfriend-zoned huwag ka lang mapunta sa iba lalong lalo na sa taong iyon," mabigat at mapait nitong wika.

"Hindi natin mapipigilan ang mga mangyayari just like how you can't stop yourself from falling for me, I can't teach my heart to feel the same for you, Allen. Gaano man ako katalino, kahit pa mag-top ako sa lahat ng exams. Iyong gusto mong mangyari, Allen... iyon ang klase ng exam na hinding hindi ko maipapasa— walang lessons, walang reviewers, walang key to corrections dahil walang tama o mali— we will just feel what we are meant to feel. Hindi ko ginusto na makasama si Rio, hindi ko pinili na mahulog sa kanya, hindi ko pinag-aralan iyon pero... pero nagawa kong mahulog. Hindi ko ginusto na masaktan ka. I am really sorry, Allen, pero may mga bagay na mahirap pag-aralan."

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon