Lesson Number Eleven -The Crazy Fans-

3.9K 70 5
                                    

Lesson Number Eleven

-The Crazy Fans-

 "ANO'NG ginagawa mo rito?" asik na tanong ni Monica kay Rio nang makita niya itong nakasandal sa kotse pagkalabas niya ng bahay na tinutuluyan. Paano nalaman ni Freak kung saan siya nakatira?

 "Wala. Nagpapahangin lang," sagot ni Rio saka umiwas ng tingin pero hindi nakatakas sa malinaw niyang mata ang pamumula ng pisngi ng binata.

 "Umagang– umaga magpapahangin? Ang lamig pa kaya." Tugon ni Monica na naka-kunot ang noo. Naiinis pa rin siya sa binata. Naiinis pa rin siya sa mga nangyari noong nagdaang gabi.

 "Walang basagan ng trip, Nicz." Sagot ni Rio na umikot para buksan ang pinto ng front seat.

 Napaawang ang bibig ni Monica sa kinilos nito. Ano na naman ba kaya ng trip ng freak na ito? Pero hindi rin niya maitanggi ang paghuhuramentado ng puso niya. Sunod-sunod ang malakas na pagkalabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya. Siguro dahil naiinis pa rin siya sa hangin na tinubuan ng tao.

 "Get in." maotoridad na sabi ni Rio. Balik na naman sa pagiging arogante ang tono ng boses nito. Naikunot tuloy ni Monica ang noo niya. Bwisit na freak! Agang-aga namemeste.

...♥...

 TAHIMIK LANG na hinintay ni Rio ang sunod na gagawin ng dalaga. Kinailangan pa niyang gamitin ang pagiging arogante niya para maitago ang pangangatal ng boses niya. Bakit ba sa tuwing nakikita niya si Monica ay kinakabahan siya?

 He was the epitome of arrogance. Mataas ang kumpiyansa niya sa sarili pero mula noong nakilala niya si Monica ay parang nabago ang ikot ng mundo. Sa tuwing nakikita niya ito ay parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib niya. Nakakaloko!

 Pero hindi gumalaw si Monica sa kinatatayuan. Nanatili lang itong nakakunot ang noo at nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya pero imbes na mainis sa reaksyon nito ay mas lalo siyang natuwa. Bakit ba ang ganda pa rin nito kahit mukhang anumang oras ay magbubuga ito ng apoy?

 "Tatayo ka na lang ba diyan? Himala! Nanahimik ang parrot." Nakangising sabi ni Rio. Para-paraan na lang para itago ang kaba.

 "Ang sama mo, freak." Asik ni Monica saka tumalikod at naglakad palayo.

"Nicz!" paghabol ni Rio kay Monica saka ito binuhat na parang bagong kasal at isinakay sa front seat ng kotse niya. Palagi na lang ba siyang tatalikuran ng dalaga? Aba! Hindi naman ata puwede iyon.

...♥...

"KOTSE ni First iyon, hindi ba?" tanong ng isang babaeng naglalakad sa may parking lot. Nakita niyang may nagpapark na puting Volvo.

 "Oh my God! Si First nga!" halos mangisay naman sa kilig ang kasama nitong kaibigan nang lumabas sa kotse ang guwapong-guwapong si Rio Jed Nolasco. Sa paningin ng mga babaeng ito ay kumikinang ang binata lalo pa't natatamaan ito ng liwanag. Pero laglag ang panga nila noong makitang umikot ito para buksan ang kabilang pinto ng kotse.

 "Sino kayang kasama ni First?"

 "Excuse me! What's happening here?" naiiritang tanong ni Ringo habang poised na poise na itinutulak ang mga babaeng nakaharang sa daan. Buwisit na mga babae!

 "Sino kayang kasama ni Rio?"

 Napatingin kaagad si Ringo sa kung saan man nakatingin ang mga babaeng nandoon.

 "Ano'ng ginagawa ng cheap girl na iyon sa kotse ni Rio?" laglag ang pangang tanong ni Hermione na kasama ni Ringo. Nalaglag rin ang mga panga ng mga babaeng naroon.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon