Lesson Number Twenty Two

562 9 0
                                    

Lesson Number Twenty Two

"She's still here," naikunot ni Hermione ang kanyang noo at binalingan ang bigla na lamang nagsalita sa kanyang likuran. Ngayon ang araw ng enrolment para sa ikalawang semester. Kaagad niyang namataan si Monica pagkapasok pa lamang niya ng school para mag-enrol. Kasama pa ng cheap girl na iyon si Rio Jed Nolasco.

"Lunch?"

"Mag-lunch ka mag-isa, Freak." Dinig pa niyang pag-uusap ng mga ito.

"A deal is a deal, Hermione." Napapadyak si Hermione nang muling nagsalita si Spade. This was the biggest embarrassment of her life. She was once the campus princess but everything was taken away from her... her everything.

Ngunit tila hindi na maibabalik pa ang naagaw sa kanya. She could still remember the bet that she had with Spade and she's always true to her words. Her dignity, that's all that's left of her.

"Fine, I'll leave her alone." mapait niyang sabi.

"Good," ngumisi lamang si Spade at tinapik siya sa balikat pagkatapos ay iniwan na siya. Pinagmasdan niya ang papalayo nitong pigura habang pinaglalaruan nito ang hawak na baraha.

Umalis na lamang siya ng registrar's office ngunit bago siya tuluyang makalayo ay namataan pa niya si Ringo. Nakatingin lamang ito sa kanya na walang bahid ng kahit na anong emosyon. Umiwas na lamang siya ng tingin at tuluyan nang umalis.

...♥...

Maayos na nagsimula ang semester para kay Monica maliban na lamang sa palaging pambubuwisit sa kanya ni Rio. Matapos nilang mag-usap sa Malabrigo lighthouse ay palagi na siyang binubulabog nito. Pilit na pinapatunayan na kaya nitong magbago. She maintained her facade, acting as if she didn't believe him. Ngunit alam niya na imposible na ang bagay na iyon dahil tuluyan na nitong nakalampag ang kanyang sistema.

Pero kailangan niyang pigilan ang sarili na tuluyang bumigay kahit pa alam niyang isang kalabit na lamang ay mabibitiwan na niya ang natitirang napaka-iksing pisi na kanyang hinahawakan, tuluyan na niyang maitatapon ang kanyang pinaniniwalaan. Hindi siya bagay sa mundo ni Rio Jed Nolasco. Nakita niya kung paano ito nakibagay sa kanyang mundo ngunit hindi siya sigurado kung kaya niyang pasukin ang klase ng buhay na mayroon ito.

"Nicz, paturo naman, oh, hindi ko masiyadong naintindihan ang tinuro kanina sa FinMan," ani Rio na umupo sa kanyang tabi. Kasalukuyan silang nasa loob ng classroom at nagpapatay ng oras, dalawang oras pa bago ang sunod nilang subject.

"Ang dali -dali ng lessons, imposibleng hindi mo nakuha. Sa talino mong iyan?" hindi makapaniwala niyang tugon. "Huwag mong sabihin na hindi ka nakinig sa discussion, saan na naman napadpad ang utak mo?"

"Hindi nga ako nakinig," anito. He even flashed a good-boy grin, napasimangot tuloy si Monica. "Nandito lamang naman ang utak ko," anito at dinikit ang isang daliri sa sentido, "nandito lang at iniisip ka."

"Akin na nga iyang notebook mo, mag-aral ka na nga lang, nasisiraan ka na naman ng bait, magpa-check up ka na kaya, o mas magandang magpa-confine ka na sa mental institute, baka mahawa pa ako swa kabaliwan mo," sunod-sunod na litanya ni Monica habang pinipigilan ang pagdagundong ng kanyang dibdib.

"Eh, 'di mabuti at nang pareho na tayong mabaliw sa isa't isa," tila pabirong wika ni Rio na ikinainis lamang ni Monica, sinasabi na nga ba't nambubuwisit lang ang isang ito.

"Tigilan mo na nga ang mga kalokohan mo, Freak! Hindi na ako natutuwa." Isa pang dahilan kung bakit hindi niya magawang hayaan ang sarili na bumigay na lamang dahil baka pinagtri-tripan lamang siya nito. Isipin pa lamang niya ang posibilidad na iyon ay nasasaktan na siya, ano pa kaya kung totoong pinaglololoko lamang siya nito?

Umiling si Monica at pilit na iwinaglit iyon sa kanyang isipan. Hindi tamang isipin pa niya ang bagay na iyon,  she shouldn't be thinking of what if's and other possibilities, ang pag-aaral niya ang ipinunta niya roon, hindi niya dapat hayaan ang sarili na kontrolin ng sariling emosiyon.

"Monica, Rio, may assembly ang SEBA department, pumunta na raw ngayon sa SEBA hall," ani ng kanilang kaklase na kadarating lang. Nakatayo ito sa may hamba ng pinto.

"Hindi ba't next week pa ang meeting?" naguguluhang tanong ni Monica.

"Na-move na ngayon, nag-announce kahapon, hindi n'yo ba alam?"

Nanlalaki ang mga matang tiningnan lamang ni Monica ang kanyang kaklase. Humalakhak lamang ito.

"Puro ligawan ang inaatupag n'yo kaya 'ayan, clueless." Nakangisi nitong sabi saka umalis.

"Ano'ng sinasabi niyon? Wala namang nanliligaw at lalong walang nililigawan. Naliligaw ang utak, mayroon pa." Padarag siyang tumayo at hinablot ang kanyang bag. "Tara na nga sa SEBA hall," aniya at nagmartsa na palabas ng silid, sinundan lamang siya ni Rio, paminsan-minsan ay nahuhuli niya ang pagsulyap nito sa kanya saka ito biglang ngingiti na parang timang.

Pinigilan ni Monica ang mabilis na pintig ng kanyang puso... pero hindi naman siya nagtagumpay. Iba pa rin talaga ang hatid sa kanya ni Rio.

...♥...

Naging abala ang mga sumunod na araw sa SEBA department dahil sa SEBA week, buwan-buwan ay nagdiriwang ang iba't ibang departments at ang departamentong iyon ang naka-assign sa buwan na iyon.

"Monica, may partner ka na ba sa SEBA night?" ani ng kaklase niyang si Tyron.

"Loko, gusto mo bang masapak ni Rio, 'ayan na si First, oh.." segunda naman ng isa pa niyang kaklase na si Fred. Sinundan ni Monica ng tingin ang mga mata nito. Papunta si Rio sa kanilang direksyon.

"Hindi naman nagyayaya ang freak na iyan saka hindi naman required ang partner sa SN (SEBA Night), 'di ba?"

"Boring kapag mag-isa, Monica."

"Hindi rin," naiiling na lang niyang sabi saka patuloy na pinagmasdan si Rio pero imbes na lumapit ito sa kanya ay sa ibang direksyon ito nagpunta at nakangiting nag-aabang dito si Hermione.

"Excuse me, may gagawin pa pala ako." aniya at mabilis na iniwan ang mga kaklase. Nararamdaman na rin niya ang tila hamog sa ilalim ng kanyang mga mata. Letseng freak. Walang kuwenta talaga kahit kailan.

Buong akala niya na kung pipigilan niya ang sarili na tuluyang mahulog ay hindi na magiging ganoon kasakit ngunit nagkamali siya... hindi niya napigilan ang sarili, tuluyan na siyang nalunod at hindi niya alam kung magagawa pa niyang umahon.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon