Lesson Number Eighteen

734 10 5
                                    

 Accident

 Maingay. Siksikan. Ganiyan ilarawan ang Fontanilla Astrodome dahil sa dami ng taong nandoon ngayon. Ngayon ang unang araw ng intercollegiate league at talaga namang dinagsa ang nasabing lugar ng mga estudiyante mula sa iba't ibang paaralan sa iba't ibang panig ng bansa. Hindi magkamayaw ang mga manlalarong kanina pa dinadagsa ng mga fans at makakatakas ba ang players ng Bridgerton International Academy sa commotion na iyon? Sikat ang eskuwelahan hindi lang dahil sa mayayamang estudiyante nito kundi dahil sa magagaling na athletes lalo't higit ang kanina pang tinotopak na si Rio Jed Nolasco.

 Takte lang kasi! Kanina pa siya pinapalibutan ng fan girls. Picture dito, picture doon, may mga humihingi pa ng autograph! Nakakaloko lang, artista ba siya?  Sabagay, sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kagwapuhan niyang taglay? Maging ang mga 'daughters of Aphrodite' ay siguradong mabibihag niya. Maliban na lang siguro sa isang tao— kay Miss Rank Number One— na siyang dahilan kung bakit kanina pa siya sinusumpong. Panay ang sipat niya sa kanyang relos na kulang na lang ay ibato na niya ito sa inis, malapit nang magsimula ang opening ceremony ngunit wala pa ito. Nakakabanas lang! Gusto pa naman niya na ito ang kasabay sa pagmartsa papasok ng dome!

Kung bakit kasi hindi pa ito pumayag na sunduin niya! Ang arte-arte! Dapat talaga ay pinuntahan na lang niya ito!

 "Freak!"

Sa kabila nang nakabibinging ingay ng mga nagtitiliang fangirls ay dinig na dinig ni Rio ang malakas na boses ng bumanggit ng kanyang 'pet name'. Lumingon siya at nakita ang papalapit na pigura ni Monica na halatang nasisiksik na ng ibang tao.

Tang'na! hindi ba sila marunong mag-give way? No one dares hurt Monica Peligrino! No one! Mababali ang buto ng sinumang bumangga dito. Kaagad na umakyat ang dugo ni Rio sa ulo! Nabubwisit siya sa nakikita lalo pa noong nakita niyang nag-wince si Monica nang mabangga ang braso nito. Sa ganoong eksena ay iniwan ni Rio ang mga fangirls niya para salabungunin ang dalaga at para sapakin na rin ang bisugong sumanggi rito! Anak ng pesticide! Manghihiram ito ng mukha sa kamag anak na aso.

 Panay ang tulak ni Rio sa mga nakakasalubong niya. May kalayuan pa rin si Monica at talaga namang mukhang hirap na hirap na ito sa pagdaan sa mataong lugar. Anak ng pusang gala! Nasaan ba ang security officers ng dome na ito at hindi man lang maayos ang pagpasok ng mga tao?

 "Freak! Ouch!" sigaw ni Monica, mukhang naapakan pa ang paa nito. Talagang mananagot kung sino man iyon. Dali-daling naglakad si Rio papalapit dito habang ang dalaga ay naitutulak ng ibang tao.

Lakad. Tulak. Ganoon ang naging eksena hanggang sa tuluyan nang nakalapit sila sa isa't isa. 

"Hey! You okay?" concern na tanong ni Rio. Tiningnan pa niya ito mula ulo hanggang paa na para bang ineexamin.

"Okay mo mukha mo Freak! Ikaw kaya itulak at maapakan! Try mo?" umirap pa si Monica which Rio finds really cute about her! Ewan! Weird lang siguro talaga!

They stood few inches apart sa gitna ng siksikang tao. May mga kumukuha pa ng litrato. Panay pa rin ang tulakan dahil karamihan ay nagmamadali. Mag-uumpisa na ang program pero parang walang pakialam si Rio, ang iniisip niya ay kung okay lang ba talaga ang kasama. Tang'na! kailangan na ba nilang tumakbo sa ospital?

...♥...

And there, at the middle of the crowd— the inevitable happened. Dala ng matinding siksikan at tulakan ay ang pagdidikit ng kanilang katawan. Dinig na dinig ni Monica ang lagabog sa kanyang dibdib. Eksenadorang puso! Palagi na lang nagwawala sa presensiya ni freak. Leche! Tumunghay si Monica at kasabay noon ay ang pagyuko ni Rio para tingnan siya...

 At ang paglalapat ng kanilang mga labi.

 Isang malakas na dugdugdug ang nilikha ng mga tambol sa kanyang dibdib. Halos mabingi siya dito. Oh my freaking gosh!

 She kissed Rio! Rio kissed her!

 No! They are still kissing each other! What the freaking gosh!

 Tila ba nawala sa pandinig ni Monica ang ingay ng paligid. Ang tanging naririnig niya ay ang paghuhuramentado ng dibdib! Shet! Is this for real?

 Rio is kissing her! It happened accidentally... but still...

 It was her freaking first kiss! Uh-oh!

Pilit na inoorganize ni Monica ang isip niya. Alam niyang dapat niyang itulak at iwan si Rio pero hindi niya magawa. She just can't. For freaking sake! She didn't even know why.

Someone at the back of her head says otherwise, in his arms... she felt comfortable and secure, para bang walang pwedeng manakit sa kanya.

She could feel the heat from his chest at dinig na dinig din niya ang pintig ng puso nito. Posible kaya na pangalan niya ang sinisigaw nito?

Paano kung hindi? She suddenly felt disappointed! Leche! Bakit naman siya madidisappoint?

Hindi na maunawaan ni Monica ang nararamdaman. Malakas ang kalabog ng kanyang dibdib at tila may mga kuliglig na naghaharutan sa kanyang sikmura. Tila ba nasisiyahan sa nangyayari. She stood still. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Dapat ba niyang itulak ang binata?

"Calling the attention of the athletes, please proceed to the oval for the lighting of torch."

Tila nakabalik ang humiwalay na kaluluwa ni Monica nang marinig iyon, sa pagkabigla ay natulak niya si Rio at nasampal ang pisngi nito. Saka siya dali-daling tumakbo.

 ...♥...

Monica disappeared with the sea of people. Hindi na nakita pa ni Rio ang pigura ng dalaga dahil natatakpan na ito ng mga taong papunta sa oval. Makailang ulit niyang binanggit ang pangalan nito ngunit walang tumutugon. Rio could not understand what he is feeling. Dama niya ang tila kuryente noong naglapat ang kanilang mga labi. Hindi niya inasahan na mangyayari iyon. 

...♥...

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon