Lesson Number Eight - 2

1K 16 4
                                    

"Patience is a virtue." 

"Tumahimik ka nga, bulag ka ba? Hindi mo ba kita na nagsasagot ako ng mga out of this world na accounting problems na ito?" ganting sigaw ni Rio. Nabubwisit na siya, kanina pa kasi paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng hampas lupang tutor niya ang saying na iyon. Dinaig pa ang pirated dvd, or better say parrot kung magpaulit-ulit. 

"Bagay lang sa iyo ang out-of-this-world problems, pang out-of-this-world ka din naman, freak ka kasi." Nakangisi pang reply ng parrot niyang tutor. Tinitigan niya lang ito ng masama at saka binalikan ang sinasagutang comprehensive problems. 

Dyahe! Habang siya ay nagpapakahirap, prenteng prente namang nakaupo sa swivel chair ang tutor niya. Feel na feel masiyado ang pagpapahirap sa kanya. 

Bakit kasi ang babaeng ito pa ang napiling tutor niya? Imbes na matutunan niya ang mga namiss niyang lessons ay mas lalo pang hindi magsink in sa utak niya. Sa tuwing magrereview siya ay nakikinikinita niya ang nakangising imahe ng tutor niyang iyon. Anak ng pusang gala! 

"Ako freak? Kung may freak sa atin ay ikaw iyon." Sisigawan pa sana ulit ni Rio si Monica nang biglang may pumasok sa study room. Nandoon sila ni Monica sa bahay ng mga Nolasco para mag-review. Pinalayas sila ng kanilang coach dahil nagbabangayan lamang sila imbes na mag-aral.

"Anak, Hija, magmerienda muna kayo." Nakangiting sabi ni Daisy, ang mommy ni Rio, habang inilalapag sa mesa ang isang tray na naglalaman ng juice at biscuits. 

"At ikaw naman, Rio, be good to your tutor, she's your only key to get into the league. Narinig ko ang pagsigaw mo kanina, anak, hindi masama kung hahabaan mo ang pasensiya mo, buti nga at pinagtityagaan ka pa niya. I remember when you were still a little boy, ilang beses tayo nagpalit ng yaya mo dahil ang bilis uminit ng ulo mo" Sermon naman ng nanay niya. 

"And, hija." Binalingan ni Daisy kay Monica at nginitian ito. "Thanks for putting up with my boy." 

Ngumiti lang din si Monica. Ito ang unang beses na nakita niya itong nakangiti. Iyong natural na ngiti at walang halong pag-uuyam. 

'Maganda pala ang ngiti niya, dapat ay  lagi na lang siyang nakangiti para lumabas ang ganda niya' naisaisip ni Rio. Agad naman siyang napailing sa naisip. Nagma-malfunction na nga yata ang isip niya dahil sa isang katerbang sinasagutan niya kaya kung ano-ano na lang ang naiisip niya. 

"It's no problem, Ma'am." Ani Monica pagkatapos ay ngumisi ito at tiningnan siya. "Patience is a virtue, anyway." 

Binawi na rin kaagad ni Rio ang naisip niya, huwag na lang sana muling ngumiti si Monica. Mas nakakaburyo pala iyong makita.

... ♥ ...

Blag!

"Wala ka naman sigurong balak sirain ang punching bag, ano? Ang aga-aga ay ang init agad ng ulo mo. Tol, ang patience pakihabaan. Chill." Natatawang sabi ni Ace na kapapasok lang ng headquarters kasama ang iba pang miyembro ng Cool Knights. 

"Ace is right, bro." pagsang-ayon naman ni Hero at naghi5 pa ang dalawang sira-ulo niyang kaibigan. Si Spade naman ay mukhang wala lang paki-alam sa kanila. Ang weird talaga ng kaibigan niyang iyon. Dirediretso lang itong umupo sa swivel chair at nilapag ang paborito nitong deck of cards sa lamesa. Mukhang magbabaraha na naman ito ng mag-isa. 

"O ano, tol, kamusta ang tutorial session mo with Ms. Rank Number One?" Binigyan pa nito ng emphasis ang bansag na iyon kay Monica. Kaagad na pumasok sa isip niya ang pagngisi nito noong nakaraan.  Muli niyang sinuntok ang punching bag.

'Cool down, Rio. Cool down. Tandaan mo kasalanan ang pumatay.' Sermon ni Rio sa isip niya, kanina pa siya napipikon sa kaibigan niyang si Ace dahil sa mga pang-aalaska nito.

'Cool down Rio, patience.' Muling sabi niya sa kanyang isipan.  

...♥...

"This can't be happening." Naiiritang sabi ni Hermione habang pinapanood sina Rio at Monica na kalmadong nag-uusap at hindi nagbabangayan. Well, hindi naman niya talaga pinapanood na parang spy. Ang ganda naman niya masiyado para magpakaispiya lamang katulad ng mga cheap na fan girls ni Rio, nagkataon lang na napadaan siya sa garden, along the way kasi ito papunta sa pool area ng academy. 

"It seems like Rio has finally learned how to control his temper and prolong his patience." 

Halos mapatalon si Hermione nang marinig ang baritonong boses na nagsalita sa may likuran niya. Ano bang meron sa Spade na ito at bigla-bigla na lang sumusulpot? 

"Paano ba yan, Hermione, Mukhang hindi mapapa-alis si Ms. Rank Number One sa school na ito."  

Umakyat sa boiling point ang temper ni Hermione sa narinig. Hindi puwedeng mangyari ang sinasabi ng kaibigan ng kuya niya. Dapat mapaalis si Cheap Girl sa school as soon as possible. Tiningnan niya nang masama si Spade but Spade only smirked.  

"Ang init naman agad ng ulo mo Hermione. Did I hit the bull's eye?" ipinaling ni Spade ang ulo nito at sinundan naman iyon ni Hermione. Nakatingin sila pareho kina Rio at Cheap Girl. 

"If you really want to win this game. You should focus, keeping a high temper will bring you nowhere. Be patient. Just focus with your cards." Spade pats her on her shoulder and then left. 

Napabuntong hininga na lang si Hermione at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa pool area.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon