Lesson Number Nineteen

643 7 1
                                    

Friends or Foes

"Kamusta ang inter-collegiate league?" tumunghay si Monica at nakita  ang kaibigang si Allen na naglalakad papalapit sa kanya. "Nanalo ako," tamad niyang sabi.

"Nanalo ka pero parang biyernes santo ang mukha mo?" nagtatakang tanong nito. "Himala, hindi mo yata kasama iyong alaga mong si Rio," dagdag pa nito. Naikunot niya ang kanyang noo.

"Heh! Don't say bad words," nakanguso niyang sabi at binalikan ang practice sets na sinasagutan.

"Teka lang, chill. Baka naman maayos pa ninyo ang problema, ano ba ang nangyari?" umupo ito sa tapat niya at tinukod ang magkabilang siko sa mesa saka siya tinitigan.

Naramdaman ni Monica ang paggapang ng mainit na pakiramdam sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Muli na namang sumagi sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon na gustong gusto niyang kalimutan. Hindi na nga niya pinapansin si Rio para lamang huwag maalala iyon... pero kahit ano'ng sulsol niya sa sarili ay nagpapabalik-balik iyon sa kanyang isipan.

"Nica."

"Eh! Nakakahiya naman kung malalaman mo," yumuko si Monica upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pilantik sa kanyang dibdib. "Kung sabagay, iyon ngang hindi ko kilala ay nakita ang pangyayaring iyon, nakakahiya talaga!" pumadyak-padyak pa siya.

"Nagkaroon ng tulakan noon sa Fontanilla Astrodome bago ang opening ceremony ng ICL. Nakaka-asar lang! Sa lahat naman ng kahihiyang daranasin ko ay iyon pang bagay na iyon... iyon pang makita ako ng napakaraming tao while being kissed by Rio." Palatak niya.

"What?" gulat na tanong nito.

"Sabi ko na nga ba, dapat ay hindi ko na sinabi sa iyo. Aksidente lang naman iyon pero..."

"That's still a kiss, Monica!" asik nito.

"I know... pero hindi ko naman ginusto iyon, eh," aniya at lalong kumunot ang kanyang noo.

Saglit na naghari ang katahimikan. Hindi malaman ni Monica ang gagawin. Mukhang hindi talaga natuwa si Allen sa ibinalita niya. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa roon?

"Naiinis ako kapag nakikita ko kayong magkasama," malamig at malalim na wika ni Allen na siyang bumasag sa katahimikan.

"Ako ang dapat kasama mo. Tayo dapat ang palaging magkasama. Hindi siya. Hindi kayo," sa pagkakataong iyon ay tumunghay na si Monica. Hindi niya mabasa ang mukha ni Allen. Puno ng pagtatakang tinitigan niya ito.

"Do you still remember what we promised? Na kahit ano'ng mangyari ay walang mang-iiwan sa ere. We used to have only each other. Magkalaro noong elementary. Sabay mag-review. Mag-lunch. Umuwi. Bakit parang nagbago na ang lahat ng iyon mula noong pumunta tayo rito? Mula nang makilala mo si Rio. Why do I feel like I am losing the only one that I have?"

Natulala si Monica sa tinurang iyon ng kaibigan. Bakas ang lungkot sa boses nito. She suddenly felt guilty. Tama naman si Allen. Mula noong naging busy siya ay hindi na sila nagkaroon pa ng oras para magsama. Nai-focus niya ang sarili sa mga dapat niyang gawin. Alam naman ni Allen ang bagay na iyon ngunit mukhang nagtatampo nga ito. Pero sigurado naman si Monica na kahit ganoon ay tulad pa rin sila ng dati.

"Wala namang nagbago, Allen. Naging busy lang ako. Mag-bestfriend pa rin tayo. 'Di ba nga, bestfriends forever?"

"Iyon na nga! Ako iyong bestfriend mo— bestfriend mo lang ako!" halos nabubuhol nitong sabi.

"Allen."

"Iyon lang naman, 'di ba? I am just your friend. I thought that after everything that we've been through... after all these years that we've depended on each other ay makakaiwas na ako sa bestfriendzone."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I'm jealous, Monica, so jealous. I'm so scared that I might lose you."

"Hindi ako mawawala, Allen. We're friends!" asik niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon ay kanyang kaibigan. May problema ba ito?

"It's not just that," anito na tila nahihirapan. Isinabunot pa nito ang mga daliri sa buhok nito. "I have known you all my life at wala akong nakikitang kasama sa buhay kundi ikaw. Don't you know that I love you? Can't you feel it?"

Nalaglag ang panga ni Monica sa narinig. Pakiramdam niya'y tumigil ang oras. Maging ang isip niya ay hindi makapag-proseso ng tama.

Tumawa ito nang pagak. "Wala, eh, gan'on talaga. Hanggang doon lang ako. Hindi pa ako umaabante pero may naka-puwesto na pala sa puso mo. You're in love with Rio, aren't you?"

"Ewan! Hindi ko alam! Ewan!" ani Monica. Tuliro ang kanyang isipan at hindi alam ang isasagot. Kasasabi lang ni Allen na gusto siya nito pagkatapos ay bigla naman siyang tinanong tungkol kay Rio! Pakiramdam niyang ngayon ay nasadlak siya sa napakahirap na sitwasyon. Ano ba ang dapat niyang sabihin o gawin?

"Hindi mo na kailangang sagutin. Malinaw na sa akin ang sagot," anito at saka tumayo. Pansin niya ang hamog sa ilalim ng mga mata nito. Nanatili lang siyang nakatitig kay Allen ngunit naglalakbay sa ibang lugar ang kanyang isipan.

"Goodbye, Monica," anito saka mabilis na tumalikod at humakbang palayo. Naiwan siya na hindi malaman ang gagawin.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon