Lesson Number Six -Teach him to be generous.-

4.3K 83 2
                                    

Lesson Number Six

-Teach him to be generous.-

"KUNG may laser beam lang ang mga mata mo ay kanina pa natunaw si Monica." Napakurap si Rio sa narinig at nilingon ang katabi niya at kung ngumiti ito ay parang wala ng bukas. 

"Tell me, Baby boy, attracted ka ba sa kanya? Sabagay, hindi kita masisisi. Ang ganda naman kasi ng batang iyan." 

Muling tiningnan ni Rio si Monica na nakangiti na nakikipag-usap sa isa pang members ng student council. Hindi niya maitatanggi na maganda ang ngiti nito. Pero siya? Attracted? Malabong mangyari.  

"Hindi ko alam kung bakit member ka ng student council." Naisagot na lang ni Rio at tumingin na lang sa Student Council president na nag-eexplain sa unahan.  

"You know what, Baby boy, it is not wrong to open your heart to someone who is worth it." Tuya ng katabi niya. 

"Hindi kita maintindihan, Ate Meg." Umiiling na sabi ni Rio at pilit na ifinofocus ang attention sa S. C. president pero hindi yata maiwasan ng mga mata niya na hindi sulyapan si Monica. Kailangan na yata niyang magpatingin sa optalmologist at hindi na niya makontrol ang mga mata niya. 

"Ang sinasabi ko lang, try mo minsan na buksan ang puso mo nang magka-girlfriend ka naman." Nang-aasar pang sabi nito. 

"Ate Megumi." Rio said in an undertone. "Hindi ba matatapos ang issue na iyan?" naiinis na sagot ni Rio. Ano bang klaseng topak mayroon ang pinsan niya ngayon at bigla na lang nitong naisipan na buksan ang topic na pilit niyang iniiwasan? At kung kailan naman council meeting saka naman nito napagtripan na i-discuss iyon. 

"Matatapos naman, kapag nakapag-uwi ka na ng girlfriend sa bahay." Ngiting-ngiti na sabi ni Megumi. 

"Tss. Pagbuhulin ko kaya kayo ni Lolo! Kung makapamilit ka na magka-girlfriend na ako wagas samantalang ikaw ay walang boyfriend." 

"Hindi pa naman ako obligado na magka-boyfriend samantalang ikaw, kailangan nang magka-girlfriend." At ngumiti lang lalo ng mapang-asar si Megumi. Tiningnan na lamang ni Rio nang masama ang nababaliw na niyang pinsan. 

"Ate Megumi, tara na." May lumapit na babae kay Megumi. Tumayo na ito at ginulo-gulo ang buhok ni Rio. Tapos na pala ang council meeting, hindi na niya namalayan, paano kasi kakulitan na tinubuan ng tao ang pinsan niya. "Paano, Baby boy, mauna na kami ni Shaina. Balitaan mo na lang kami kapag may girlfriend ka na." pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi. 

... ♥...

"TAPOS na ang meeting, bakit hindi ka pa tumatayo?" tanong ni Rio kay Monica. Nakalabas na ang lahat ng council members pero mukhang walang balak umalis si Monica. 

"May tinatapos lang ako," sagot ni Monica na hindi man lang tumitingin sa kanya. 

"Lunch time na, hindi ka pa ba nagugutom?" nagulat si Rio sa naging tanong niya. Pero may magagawa pa ba siya, natanong na niya, eh, alangan naman na bawiin pa niya. 

UMILING-ILING lang si Monica. Sa totoo lang ay nagugutom na rin siya pero hindi siya makakapaglunch dahil mauubos na ang allowance niya. Hindi kasi siya nakauwi noong weekend sa Batangas dahil masiyado siyang busy sa training at sa pagtututor niya, hindi tuloy siya nakahingi ng pera. Nakausap na rin niya ang Papa niya at sinabing sa makalawa pa ito makakapagpadala ng pera.

"Hindi ako nagugutom." Aniya pero tinraidor lamang siya ng kanyang sikmura. Lumikha ito ng ingay.

"Iyan ba ang hindi gutom?"  asik sa kanya ni Rio. Saglit niya itong tiningan. Salubong na naman ang mga kilay nito.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon