Lesson Number Five -Teach him to be helpful.-

4.2K 83 11
                                    

Lesson Number Five

-Teach him to be helpful.-

“SORRY PO…  sorry po…  sorry po,” makailang ulit na hingi ng patawad ng babaeng nakabunggo kay Rio sa Hallway ng SEBA Building. Kung bakit naman kasi ang laki laki ng hallway ay hindi tumitingin sa dinaraanan ang babaeng ito. Nalaglag pa sa sahig ang mga dala nito. Natataranta namang pinulot ng babae ang mga libro nitong nagsipagpatakan sa sahig. Samantalang si Rio ay nakatayo lang doon at pinapanood ang babaeng hindi magkandaugaga sa ginagawa.

“Sorry po talaga. Hindi ko sinasadya.”

“Sa susunod ay tumingin ka sa dinaraanan mo.” Malamig pero punong-puno ng arrogance na sabi ni Rio saka niya nilagpasanan ang babae na para bang wala siyang paki-alam. Sabagay, wala naman talaga siyang paki-alam.

…♥…

“GRABE siya. Ni hindi man lang niya tinulungan. Ang sama talaga ng ugali niya. Freak forever.” Nilapitan ni Monica ang babaeng nakabungguan ni Rio sa hallway, sakto kasing papunta siya sa classroom at naabutan niya ang kaarogantehan na tinubuan ng freak na basta na lamang nilagpasan ang babae. “Wala talaga siyang puso. Freak.”

“Miss, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Monica sa babae habang inaalalayan niya itong tumayo. “Pagpasensiyahan mo na iyong taong iyon. Pinaglihi kasi siya sa sama ng loob kaya ganoon ang ugali niya.”

“Okay lang po ako.” Tila nahihiya pang sabi ng babae saka ito bahagyang ngumiti. Pinagmasdan ito ni Monica. Simple lang ang ayos nito, hindi tulad ng mga estudiyante sa BIA na akala mo ay araw-araw may party kung makapagmake-up pero kahit ganoon pa man ay maganda ito. Ngayon lamang niya ito nakita at ang ipinagtataka niya ay hindi ito nakasuot ng uniporme ng Bridergerton International Academy, bagkus ay nakasuot ito ng kupas na pantalon at t-shirt na may print pa ng mukha ni Spongebob.

“Bago ka lang ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita,” curious na tanong ni Nica.

“Ah—o-po- bag-o lang po a-ko.” Nauutal pang sabi ng babae na halatang kinakabahan, hindi naman mawari ni Nica kung bakit. Hindi naman siguro siya mukhang nakakatakot para kabahan ang kausap niya. “Actually, exchange student ako mula sa isang public school.”

“Exchange student? Public School?” nagtatakang tugon niya.  ameron palang ganoon.’ Naisaisip pa niya.

“Ah.. o-po.” Sagot ng babae saka ito yumuko.

“Oy… ‘wag kang yumuko, ano ka ba?” natatawang niyang sabi.

“Eh kasi po, galing lang ako sa public school, nakakahiya naman po sa inyo.” Nakayuko pa ring tugon nito.

“Raise your head.” Sabi ni Monica, sumunod naman ang kausap. “Kung pinalad ka na maging exchange student sa school na ito, that means you deserve to be here. Social status must not hinder you to prove that you are just like everyone else, that you must be treated fairly.” Payo ni Monica saka siya ngumiti. “Don’t be shy if you are a commoner because we are just riding the same boat.”

“Po?” namilog ang mga mata ng babae sa tinuran ni Monica. “Magkapareho lang po tayo? Nagjo-joke po ba kayo? Mukha nga po kayong regular student dito saka ang ganda-ganda ninyo pa.”

Pero nginitian lang niya ito. “Sige na, malelate na ako. Kailangan ko pang turuan ng leksiyon ang Airy Arrogant Freak na iyon.” Pagkasabi ni Monica ay mabilis siyang tumakbo. Ni hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng babae.

…♥…

“PAANO? Mauna na ako sa inyong dalawa. Kayo na ang bahala dito. Saka huwag kayong magpapatayan, may league pa tayo.” Pamamaalam ni Master Sagara— ang coach ng Tae kwon do Team kay Rio at kay Monica na katatapos lang magt-raining.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon