Lesson Number Sixteen-2

945 16 6
                                    

...♥...

Humahangos na pumasok si Monica sa loob ng Bridgerton International Academy. Salamat sa pagiging athlete niya dahil may access siya sa school kahit gabi na. Dere-deretso siyang naglakad papuntang Sports Arena. Narinig niya ang mga naghihiyawan na mga athletes at ang pagtalbog ng bola. Nakarating na pala siya sa Covered court nang hindi niya namamalayan. Kasalukuyang nagpapraktis ang varsity players. Three days na lamang at intercollegiate league na, todo praktis na talaga ang mga manlalaro ng BIA. Dikdikan ang nagaganap na praktis. Para tuloy gusto niyang sumali, baka sakaling mawawala ang inis na nararamdaman niya dahil sa freak na sinapian ng baliw na engkanto.

"Monica, ikaw ba iyan?" tanong ng coach ng basketball na nakaupo sa may bench. Nakatingin ito sa kanya na ang isang kamay ay nasa may bandang noo na para bang sinisipat kung sino ba ang nakatayo sa may pinto ng court.

Ngumiti naman ng tipid si Monica at napansin niya rin ang biglang paghinto ng mga players at ang pagkaway ng mga ito sa kanya.

"Good evening, Miss Rank Number one"

"Hi, Miss Beautiful."

"Magandang gabi, Princess."

"Hello, Monica."

"Hi din sa...." Hindi na natuloy ni Monica ang pagbati sa mga basketball players dahil may humablot sa braso niya at kinaladkad siya.

"We need to talk."

"Wala tayong dapat pag-usapan." Singhal ni Monica saka pilit na tinanggal ang kamay na nakadikit sa braso niya. Wagas kung kumapit, daig pang talangka kung sumipit.

"Mayroon!" mariing sagot ng kausap saka nito binuksan ang isang pinto at itinulak siya papasok.

"Bakit naman ako makikipag-usap sa isang autistic na freak, aber?" nakataas ang kilay na tanong ni Monica pero hindi pinansin ni Rio ang tanong niya. Imbes na sumagot ay nilock nito ang pinto saka binitiwan siya na nakasimangot at masama ang tingin sa kanya. Kung may laser beam lang ang mga mata nito ay baka kanina pa siya natunaw.

...♥...

Imbes na mainis si Rio dahil  sa reaksyon ng dalaga ay mas lalo pa siyang natuwa, ang cute lang kasi ni Monica, parang bata na naagawan ng lollipop.

 "Mukha ba akong ring para hagisan mo ng bola?" nakangising tanong ni Rio. Paglingon niya kay Monica ay may lumilipad na bola, mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya, nagawa niyang iwasan ang bola at tumama lang ito sa pader. Nahalikan na nga siya ng lata at kamao, sobra sobrang parusa naman kung pati bola ay mahahalikan niya.

"Hindi ka mukhang ring. Indescribable kasi ang mukha mo. Freak ka kasi." Tuya ni Monica saka muling binato ng bola si Rio, pero naiwasan lang niya ito.

"Nicz...?"

"Who you?" sigaw ni Monica saka muling kumuha ng bola sa katabi nitong basket para muli siyang batuhin, pero sinalo lamang niya iyon.

Pero mukhang hindi nagpatinag si Monica, panay lang ang kuha nito ng bola sa basket, panay lang ang pagbato nito. Panay rin naman ang iwas ni Rio.

"Nicz!" sumigaw na rin si Rio, kanina pa niya dinadaan si Monica sa maayos na pakikipagusap pero sadya nga yatang matigas ang bungo ng dalaga. Alam niyang hindi maganda ang mood nito, mali rin naman kasi siya... pero puwede namang makipag-usap ng masinsinan, 'di ba?

"Ano!?" ganting sigaw ni Monica na hindi na rin ikinagulat ni Rio. Galit na galit talaga ang ekspresyon sa mukha nito, which Rio find endearing. Weird!

"Kung wala rin namang kuwenta ang sasabihin mo, manahimik ka na lang at palabasin ako rito."

"Can you just listen to me kahit ngayon lang?" Rio shouted in frustration. Kahit gaano pa ka-cute si Monica kapag mukha na itong sasabog ay hindi naman niya hahayaan na matapos ang gabing ito na hindi sila nakakapag-usap nang matino. Kailangan na mapakinggan ni Monica ang lahat ng sasabihin niya. Hindi maaaring hindi ito makikinig. Ngayon lang niya ito sasabihin at hindi niya na muling uulitin pa.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon