Lesson Number Four -Teach him to be patient.-

4.8K 88 7
                                    

Lesson Number Four

-Teach him to be patient.-

 "Dapat mo ba talagang gawin iyan?" nag-aalalang tanong ni Allen kay Monica. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

 "May choice ba ako?" Balik tanong ni Monica kay Allen. Totoo naman kasi na wala siyang ibang mapagpipilian. Hindi naman niya magagawa na basta na lamang tanggihan ang pinagagawa sa kanya ng Dean ng SEBA at ng coach niya sa tae kwon do. Afterall, isa siyang dakilang scholar ng Bridgerton International Academy at kahit sincong duling ay wala siyang binitiwan para pangmatrikula kaya tama lang na sundin niya ang anumang ipagawa sa kanya hangga't kaya pa niya.

 Simple lang naman kasi ang gagawin niya. Magiging tutor lang naman siya pansamantala. Hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon. Madalas kasi siyang mapakiusapan, pati na rin si Allen na maging tutor ng mga kaeskuwela nila noong high school na na nganganib na hindi makapasa. Sobrang simple lang ang gagawin niya kasi kaligayahan na niya ang makatulong sa iba.

Not really.

Because the person she is suppose to help. The person she is about to teach is the same person she hates the most. The person who does nothing but ruin her day— fate seems to enjoy playing games.

 "Dapat tinanggihan mo na lang iyang pinagagawa sa iyo, baka mapahamak ka pa niyan," nag-aalalang sabi pa ni Allen, alam kasi nito na mainit ang dugo nilang dalawa ni Rio sa isa’t isa at sigurado ito na hindi magandang ideya na pagsamahin silang dalawa, para na ring hinangad na magkaroon ng World War III.

 Tinitigan lang ni Monica ang kanyang best friend, Allen has always been supportive of her kahit pa minsan ay hindi nito gusto ang ginagawa niya ay never siya nitong k-in-ontra, ito ang unang pagkakataon na nagbigay ito sa kanya ng opinyon na taliwas sa desisyon niya.

 “Best friend, lagi mo naman akong sinusuportahan, di ba? Siguro naman this time susuportahan mo pa rin ako at saka, tama na nga ‘yang pag-aaalala, carry ko na iyon, ako pa,” Monica said cheerfully but Allen only shrugged.

…♥…

TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Monica ang notebook na hawak niya, nakasulat doon ang coverage ng lessons na dapat niyang ituro kay Mr. Yabang para makabawi ito sa mga mababa nitong grades at makasali sa intercollegiate league... ang hambog na iyon pa naman ang pinakamahusay na male athlete sa eskuwelahan nila. Labag man sa kalooban niya pero kailangan niyang aminin ang bagay na iyon kahit pa si Mr. Arrogant ang pinakakinaiinisan niyang tao sa balat ng sangkalupaan.

 “Ano’ng petsa na ba? Wala pa rin ang damuhong iyon,” naiiling na lang si Monica sa kinauupuan niya. Thirty minutes na ang lumipas mula nang pumunta siya sa field para sana sa tutorial session nila ni Mr. Arrogant pero hanggang ngayon, ni anino ng nilalang na iyon ay hindi pa rin niya nasisilayan. Saan naman kayang lupalop ng daigdig napadpad ang taong iyon?

Mr Arrogant must really need to learn his lessons and she should make her lesson plans successful.

Ano nga kaya ang laman ng lesson plan ni Monica?

…♥…

 “ARE YOU kidding me?” natatawang tanong ni Ace sa nakakunot ang noong si Rio na papalabas na ng Head quarters ng Cool Knights. Nakatanggap siya ng message mula sa kanyang ina. Anak ng putakte lang! Saan  naman kaya nakalap nito na hindi siya sumipot sa usapang tutorial session?

“Do I look like I am kidding?” angil niya sa kaibigan, kung hindi lang niya talaga kaibigan ito ay baka kanina pa ito pinaglalamayan.

“Bridgerton International Academy’s valedictorian is now attending a tutorial session? What’s happening on earth now? Katapusan na ba ng mundo?” hindi maalis ang malokong ngiti sa labi ni Ace, alam kasi nitong pikon na pikon na siya kaya’t mas lalo siya nitong inaasar.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon