Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-

4.3K 95 6
                                    

Lesson Number Seven

-Scrambled Feelings-

"NAKITA ninyo ba si First kanina?" 

"Ay, oo, ang guwapo guwapo ni First, makalaglag-panty ang ngiti niya." 

"Sa tingin ninyo, bakit parang ang saya ngayon ni First? Lagi siyang nakangiti." 

"Baka naman dahil kay Ms. Rank Number One." 

Nahinto si Monica sa paglalakad. Papunta sana siya sa classroom nila at as usual ang mga chismis na tinubuan ng tao ay nakakalat lang sa hallway. Thirty minutes pa kasi bago magsimula ang klase. Wala namang paki-alam si Monica sa mga chismis, normal na iyon sa araw-araw na eksena sa school. Pero nahinto siya nang marinig ang kanyang nickname. 

Miss Rank Number One.  

Ano naman kayang kinalaman niya sa chismis na iyon? Bakit pati siya ay kasali? Sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang kilalang First ang pangalan. Ang weird lang kung First nga ang pangalan niyon. Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Monica, ipinagpatuloy niya na lang ang paglalakad. Chismis will always be chismis, kung papansinin niya lang iyon ay mas lalo lang lalala. 

"Grabe, ang sweet lang ni First at ni Miss Rank Number One kahapon!" tila kinikilig pang sabi ng isang estudiyante. 

"Ang sabi ng aking reliable source, ipinagdala pa raw ni First ng gamit si Miss Rank Number One." 

"At sabay silang nag-lunch sa cafeteria." 

"At sinubuan pa ni First si Ms. Rank Number One." 

"Oo nga eh, inggit much ako. Pero carry lang, maganda naman si Miss Rank Number One." 

"Oi, ano'ng maganda. 'Di hamak na mas maganda ako sa kanya, 'di ba, cheap iyon? Hindi sila bagay ni First, mas bagay kami." 

"Huwag ka ngang ambisyosa girl, bagay sila. Team RioNicz all the way." 

Muling nahinto sa paglalakad si Monica.  

Team RioNicz? 

Parang nagdilim yata ang kanyang paningin. Saan namang lupalop ng universe napulot ng chismis na tinubuan ng tao ang salitang iyon? RioNicz? Ugh! Bakit biglang may nabuong ganoon? love team? 

"Hello there, Nicz." Parang tumalon ang puso ni Monica mula sa top floor ng Empire State Building papunta sa ground floor nang marinig ang pamilyar na boses. God! Ang weird! 

Nasa kalagitnaan pa naman siya ng pakikinig ng chismisan tungkol sa kanya nang sumulpot ang isang freakazoid.  Isang freakazoid na nakangiti. Confirmed! Sinapian ng engkanto si Freak. 

"Bakit, Freak?" bored na sabi ni Monica para pagtakpan ang pangangatal ng kanyang kaluluwa. Dyahe lang. Parang tumatalon sa trampoline ang puso niya. Dinig na dinig din niya ang dagundong nito.

"Kyaah! Nandiyan na si First Knight! Ang pogi pogi niya! Sheet of pad paper!" tili pa ng mga babae.

"Look, oh... pinuntahan pa talaga niya si Monica." 

"Ang sweet lang. Kinikilig pati kaluluwa ko." 

"Team RioNicz all the way." 

"Ipatrend na iyan sa lahat ng networking sites."

"Tara na! Sign up tayo sa may bulletin board." 

"RioNicz Love. Fan Club." 

Tinapunan ni Monica nang masamang tingin si Rio, kung nakakamatay lang ang titig ay dead on the spot na sana si Airy Arrogant Freak. 

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon