Lesson Number Twenty One -2

594 9 3
                                    

...♥...

Hindi mawala sa isipan ni Monica ang naging pag-uusap nila ni Allen. Hanggang sa daan pa-uwi sa bahay ay iyon ang tumatakbo sa magulo niyang utak.

"Hindi mo na ako kailangan pang isipin. Nandito lang naman ako sa tabi mo."

"Aruy!"

"Lakas!" Dinig niyang pang-aasar ng kanyang mga pinsan. Inirapan lang niya ang mga ito.

"Tigilan mo ako, Airy Arrogant Freak. Mahangin na rito. Huwag mo nang dagdagan pa," angil niya saka ito tinapunan ng masamang tingin. Pagkatapos ay nilagpasan. Feeler talaga forever si Rio Jed Nolasco.

"Hindi ka na mabiro, Nicz." ani Rio at hinabol pa siya. Tila hindi nito alintana ang mabibigat na kahoy na dala.

"Wala akong planong makipaglokohan sa iyo, umuwi ka na nga sa Maynila."

"Ayoko, at hindi rin ako nakikipag-biro sa iyo, Monica. Alam mo namang hindi ako babalik sa Maynila hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko."

"Ano ba talagang gusto mo?" asik niya at saka huminto sa paglalakad para harapin si Rio at salubungin ang seryosong tingin nito.

"Ikaw..." parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. "Gusto kong magbati na tayo."

"Hindi ba't wala naman tayong problema kaya hindi natin kailangang magbati." Halos nauutal niyang sabi. Sinubukan niyang pakalmahin ang nagwawala niyang sistema. Kakaiba ang pakiramdam na hatid sa kanya ng pagbanggit nito ng salitang "ikaw", samahan pa ng seryosong mukha nito at malalim na titig. Tila hinihigop siya ng mga mata nito at nilulunod ng malalim nitong boses.

"Kung totoong wala tayong problema, bakit ganiyan ka kung makitungo sa akin? Bakit mo ako pinapalayas? You are so unfair, Nicz"

"Hindi kita maintindihan, Rio. Diyan ka na nga!" aniya at pagkatapos ay padarag niya itong tinalikuran at nagmartsa papasok ng bahay. Narinig pa niya ang pagkakantiyawan ng mga loko niyang pinsan. Dumeretso siya sa kanyang silid at nagkulong doon.

Ang gulo-gulo na nga ng isip niya ngunit mas lalo pa itong ginugulo ni Rio. Buwisit talaga sa buhay niya si Airy Arrogant Freak!

...♥...

"Nicz, lumabas ka na raw diyan, kanina ka pa tinatawag ni Nanay," nakasimangot na tinitigan ni Monica ang nakasaradong pinto ng kanyang silid. Narinig din niya ang sunod-sunod na katok doon.

"Tinatamad pa ako, kayo na lang," maktol niya saka nagtalukbong ng kumot. Ayaw niyang makita si Rio... ayaw niyang mapansin nito ang kaguluhang hatid nito sa kanya. Nakakainis lang! Balak pa sana niyang pag-trip-an ito ngunit tila siya naman ang napagtripan ng tadhana dahil sa bawat tulak niya sa binata ay lalo lamang itong lumalapit.

"Masamang malipasan ng gutom!"

"Kailan ka pa natutong mag-alala sa ibang tao, Mr. Arrogant?" mapakla niyang wika. Kaunti na lang ay bibigay na talaga siya ngunit kailangan niyang magmatigas.

"Ayaw mo talaga?"

"A. YO. KO."

"Okay," tamad na sagot ng nasa kabilang panig kasunod ang pag-click ng doorknob at bago pa siya maka-react ay nabuhat na siya nito. And her heart goes with another dugdugdug again...

"Akala ko ba ay manananghalian tayo.  Bakit tayo nandito?" kunot noong tanong ni Monica nang ibaba siya ni Rio. Naramdaman na lamang ng kanyang talampakan ang mabatong pampang ng Malabrigo.

"Yeah, we are having lunch," kaswal nitong sagot at hinatak na siya patungo sa isang bangka... may kalakihan ito at kulay asul. Nagtatakang iginala ni Monica ang kanyang paningin. Natuon ang pansin niya sa maliit na lameseta sa gitna ang bangka. Mayroon pang plurera na may sariwang puting boat orchids.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon