Lesson Number Eighteen- 2

675 7 5
                                    

Dumiretso si Monica sa oval para sa torch lighting ceremony. Hindi matanggal ang inis na nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya naiiinis. Basta na lamang niya iyon naramdaman.

Tumugtog ang marching band, nabaling ang atensyon ni Monica sa nasa gitna ng oval, isang national athlete ang nandoon na may hawak ng torch, nagsimula na itong tumakbo. Nakaupo siya sa bleachers na nakareserve para sa mga athletes ng BIA at bakante ang upuan sa tabi niya. Siguradong si Airy Arrogant Freak ang uupo do'n, malamang ay napagkaisahan sila ng kanilang teammates. Sinundan ng tingin ng dalaga ang tumatakbong atleta nang maramdaman niyang may gumalaw sa kanyang tabi pero hindi niya iyon binigyan ng pansin hanggang sa matapos ang opening ceremony.

"Nicz..." Inirapan lamang niya ito. "About what happened, accident lang iyon."

"Taekwondo players— female. Please proceed to the assigned room."

Tumayo na si Monica pagkarinig niya sa announcement. Napansin rin niya ang pagtayo ni Rio. Hinawakan siya nito sa braso and her stupid blood pumping organ starts to do gymnastic stunts. What the hell!

"In any case..." wika nito at hinatak siya ng binata. Nagkabangga ang kanilang dibdib at naramdaman na lamang niya ang paglapat ng labi nito sa kanyang noo. Napapikit pa siya para damhin ang kuryenteng dumadaloy mula dito na sa tingin niya'y siya ring dahilan ng pag-iinit ng kanyang pisngi. "Good luck, Nicz. I know you'll do well." Wika nito bago siya pinakawalan. What on earth has just happened?

Hindi maipaliwanag ni Monica ang nararamdaman.  Parang may umiikot ikot sa kanyang tiyan. Ito ba iyong tinatawag na butterflies in your stomach? Sa sobrang confusion ay naitulak na lang niya ang binata at dali-daling tumakbo. "Where is your smart mouth, Monica? Bakit ba tumakbo ka na naman?" Sermon pa niya sa sarili.

"Peligrino, ikaw ang unang lalaro." Wika ng organizer tumango lamang si Monica at sinuot ang kanyang black belt. Sa totoo lang ay lumilipad pa sa kawalan ang isipan niya.

"Monica, come here." Dinig niyang sabi ng kanyang coach. Wala sa sariling nilapitan niya ito. "You are spacing out Monica. Are you okay?"

"Yes coach."

"Are you sure you are okay? Baka hindi ka makalaro ng maayos—"

"Coach, swear. I'm okay." She insisted pero kahit sarili niya ay hindi niya magawang maconvince na okay lang talaga siya.

"Players, proceed to the covered court." Wika ng organizer.

"I'm going coach. Fighting!"

...♥...

Dumeretso si Monica sa covered court, sa gitna niyon ay isang makeshift ring. Iginala niya ang kanyang paningin. Nakita niya si Rio sa bandang kaliwa, nakangiting kumaway ito sa kanya at nag-thumbs up pa. Sinimangutan niya lamang ito.

Dear blood pumping organ, huwag kang magulo diyan, okay?

Pumasok na si Monica sa ring, nandoon ang referee at ang makakalaban niya, nginisian pa siya nito, siguro ay dahil sa maliit ang body frame niya kumpara dito.

Nang mag-bell ay nagsimula na ang laro. Sa totoo niyan ay lumilipad pa rin sa kawalan ang isip niya, bawat stunts na ginagawa niya ay nahahagip ng mga mata niya si Rio na taimtim lang na nanonood sa kanya, paminsan minsan ay ngumingiti ito.

"Bwisit kang airy arrogant freak ka." Sigaw ng isip niya. She showcased her last stunt and at the end of the game, she won.

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon