41

142K 1.4K 601
                                    

**********************************SHAUN'S POV******************************

-July 04-

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad papalapit sa kotseng sinasakyan niya.

Bumukas na ang pinto ng kotse at lumabas ang isang simple ngunit magandang babae.

Si Parekoy.

Nakadress lang siya at nakadoll shoes pero ang ganda ganda pa rin niya. Pagbaba niya ng kotse ay nilibot niya agad ng tingin ang paligid at nung nakita niya ako ay ngumiti agad siya't lumapit sa akin.

"Happy Birthday Parekoy!" masaya niyang sabi at niyakap niya ako.

Gusto ko pa sana siyang yakapin ng matagal kaso kumalas na siya at may pinakita sa aking box.

"Tada!  Sorry kung ito lang ang gift ko sa'yo parekoy, eto lang nakayanan ko eh. Pagpasensiyahan mo na." mapagkumbabang sabi niya.

Nginitian ko siya't tinanggap ang box na bigay niya.

"Kahit ano pa 'to, basta galing sa'yo parekoy, espesyal para sa'kin." tinignan ko siya sa mata.

"S-salamat." nag-aalinlangan niyang sagot.

Bakit...bakit parang may problema? Bakit parang may iba?

Huminga ako ng malalim at inalis lahat ng pag-aalinlangan at tanong sa isip ko. Nilahad ko ang kamay k o, "Tara na?", nakangiti ko pa ring sabi.

Tinanggap naman niya ang kamay ko. Inalalayan ko siya papunta sa gitna kung saan nakapwesto ang table na pinalamutian ng sari-saring mamahaling disenyo. May fountain sa likurang bahagi at may mga bulaklak sa bukana.

Pagkaupo ni Sammy ay tinignan niya muli ang buong paligid saka tumingin sa akin.

"Asan na 'yung ibang bisita mo parekoy?" tanong niya.

"Ikaw lang ang bisita ko Parekoy." nakangiti kong sabi.

"Hmmm?bakit naman?" tanong niya habang hawak hawak ang isa sa mga rose sa mesa at sinasamyo ang bango nito.

"Ikaw lang kasi ang gusto ko." sagot ko.

Napaangat ng tingin si Sammy at napatingin sa akin.

Ngumiti lang siya pero hindi ko alam kung bakit parang sa bawat pagkakataong titignan ko ang mata niya eh puro pag-aalangan ang nakikita ko. Parang may gumugulo sa kanya pero ayaw lang niya ipakita. 

"Kain na tayo?" pag-iiba ko ng usapan. Ayokong masiraang gabi dahil sa pagmamadali ko. Gusto kong masunod ang plano ko ngayong gabi, kung ano mang magiging sagot ni Sammy bahala na mamaya. Sa ngayon, gusto ko lang sulitin ang mga sandali na kasama ko siya.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon