******************************************SANDER'S POV*********************************************

Pagkadating na pagkadating namin sa hotel ay naligo agad ako, gusto ko magpahinga dahil puyat ako simula pa kagabi.

Pagbalik ko galing ng cr, nakita ko si sammy nakaupo sa may kama at tuwang tuwang nanonood ng spongebob.

Geez. Napakaisip bata...

kinuha ko yung remote at pinatay yung tv. 

"Bakit mo pinatay?!" inis na tanong niya

"Sayang kuryente." palusot ko. Gusto ko lang talaga muna magpahinga, I'm too tired.

Dumiretso ako sa dressing room para magbihis, paglabas ko wala na si Sammy. 

Humilata ako sa kama at kinuha ang remote, binuksan ko yung tv para tumingin kung anong magandang palabas.

Lipat lang ako ng lipat ng channel, gusto ko ng matulog pero ayaw pa pumikit ng mata ko kaya yung tv yung pinagtripan ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr. Lumabas si Sammy at padabog na pumunta sa dressing room. Hahahaha, siguro nainis ko na siya. Nilipat ko pa ulit ang channel ng tv hanggang sa mapadpad ako sa isang music channel. Yun na lang ang tinutukan ko, pwede ng music pampatulog. Perfect two ni auburn yung kanta...

Maya maya pa ay nakatulog na ako. May naramdaman akong nangangalabit sa akin...


"U-uy! wag ka muna matulog samahan mo naman ako mamasyal sa labas oh...first time ko lang dito gusto ko makapamasyal..."

 

Pssshhh...nangungulit na naman siya...darn it! di ba niya alam na napuyat ako sa pagbabantay sa kanya kagabi? i-take into consideration niya naman sana iyon at wag nya na muna akong guluhin kahit ngayon lang please....kahit ngayon lang...

Hindi ko siya sinagot...inaantok na rin kasi ako...

"Kung ayaw mo akong samahan, bahala ka! Matulog ka diyan...sana bangungutin ka kinchay ka!" sabi niya sabay labas ng pinto.

Naaahh bahala siya sa buhay niya. Paki ko kung maligaw siya....malaki na siya! Kaya niya na sarili niya! Basta ako matutulog!

zz..zzz...zzz..zz..zz..zz

I opened my eyes at tinignan kung anong oras na...