27

173K 1K 129
                                    

 Nandito na kami ngayon sa loob ng eroplano at kanina pa di mapakali yung katabi ko…banas =.=” Ngayon ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Kinausap ko na rin si Mama na mapapaaga kami ng uwi at mag-eeroplano kami imbes na magyayate.

“Ano ba?! Para kang kiti kiti! Kanina ka pa di mapakali diyan.” I said to Sammy in a low voice.

“Eh kasi…gusto ko sana ako yung nasa tabi ng bintana…matagal na rin kasi akong di nakasakay ng eroplano Sander kaya pleaseee….palit tayo….” pagmamakaawa niya.

                                                                                                                                

“Kapag nagpalit ba tayo ng pwesto eh mapipirme ka na ng upo mo?!”

“O-oo. Sige na please…..”

At nagpalit na kami ng pwesto. Ayun, parang bata na nakasilip na agad sa bintana yung katabi ko. Akala mo may kasama ako promdi na first time makakasakay ng eroplano eh.

Matagal pa naman bago magtake off yung eroplano kaya nakinig muna ako ng kanta sa Ipod ko at nag-internet muna sa cp ko.

Konti lang ang tao dito sa eroplano. Reserve for Socialites lang talaga ‘tong eroplano na ‘to at mga matataas na tauhan lang ng company namin ang pinapasakay dito tsaka isa pa 6:00 pm ang kinuha kong time para makaabot pa kami bago magsara ang mall. Sabi kasi ni mama ay dumaan daw kami ng mall dahil may mag-aabot daw sa amin doon ng gift niya. Tsaka gusto ko din dalawin si Yesha sa bar and resto niya sa may gilid ng mall.

Maya maya pa ay nagspeech na siguro yung flight attendant pero di ko naman pinapakinggan kasi nga nakaheadset ako. Kaso pagtingin ko sa mukha ng ibang kasakay ko ay makikita mo sa mga mukha nila yung what-the-heck-looks. Pagtingin ko din kay Sammy ay nakatulala siya at laglag ang panga. Tapos napatingin siya sa akin at sumenyas siya na tanggalin ko daw yung headset ko.

Bakit? Anong meron?

Tinanggal ko yung headset ko at nakinig sa speech nung nagsasalita....hmmm parang pamilyar yung boses...

Pinakinggan ko ung speech.

"Hello, and welcome to Hongkong Flight 438 to the very beautiful island of the Philippines. If you’re going to Philippines, you're in the right place. If you're not going to Philippines, you're about to have a really long evening." 

 


Napangiti yung mga sakay ng eroplano.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon