40

149K 1.1K 437
                                    

*******************************SANDER'S POV*********************************

Iniakyat ko si Sammy sa kwarto niya at dahan dahang inihiga sa kama. Umupo ako sa may gilid ng kama.

Umiyak siya? Dahil na naman sa akin?

Yung kanina, hindi ko naman talaga intensyon na asarin siya...pero kasi 'yun na lang din ang paraan ko para malayo ang loob niya sa akin...para di na kami ulit maging ganun kaclose...para matupad ko ang isang pangako. Unti-unti na namang bumabalik yung pagmamahal ko kay Yesha eh...konting panahon na lang masaya na ulit ako..mababaling na ulit lahat ng atensyon ko kay Yesha...mawawala na lahat ng pag-aalala ko para kay Sammy.

Pero nung nakita ko si Sammy kanina na may nasugatan, gusto kong ibalibag yung mga bubog. Kaso kalaunan napag-isip isip ko na kasalanan ko rin yung nangyari...baka namis-interpret ni Sammy yung posisyon namin kanina ni Yesha. Baka akala niya hinahalikan ko si Yesha. Napuwing lang naman si Yesha 'nun kaya dumukwang ako para ihipan yung mata niya kaso tang'na talaga, pinaglalaruan ata ako ng kapalaran eh. Saka pa dumating si Sammy. Nung panahon na nakita ko siyang nakatayo sa may likuran ko, gusto kong tumakbo palapit sa kanya at magpaliwanag kaso wala na, alam kong nasaktan ko na naman siya.

Nung umalis siya ng bahay, parang bumagsak yung balikat ko...di ko alam kung bakit pero ang bigat ng dibdib ko lalo na nung sinabi niya yung pekeng asawa. Pucha, gusto kong suntukin yung pader eh, natapakan yung ego ko sobra. Akala ba niya wala siyang halaga para sa akin? Na talagang chimay lang siya at pekeng asawa para sa'kin?

Habang tumatagal lalo siyang napapalapit sa akin, natatakot ako na baka isang araw lahat ng nakalagay sa contract eh masuway ko...kaya nga ako pumayag sa plano eh, kaya nga ako lumalayo dahil alam ko namang kay Shaun siya masaya. Ayokong ako mismo ang lumabag sa nakalagay sa kontrata. Ayoko...aminin ko man sa hindi, natatakot ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko...natatakot akong isiping mahal ko na siya...natatakot akong dumating yung panahong masaktan ko lang siya dahil alam ko, kahit saang angulo tignan, si Yesha...hinding hindi siya mawawalan ng puwang sa puso ko, na kahit kailan...siya pa rin talaga ang mahal ko. Na baka naiisip ko lang na gusto ko si Sammy dahil palagi kaming magkasama, nasanay na akong lagi siyang nandiyan malapit sa akin.

Tinignan ko si Sammy na payapang natutulog. Mahahabang pilikmata, magandang hubog ng ilong at mapupulang labi. Walang duda kung bakit nagustuhan siya ni Shaun.

Nakatitig lang ako sa kanya pero bakit ganun? Dati naman normal lang kapag katabi ko siya pero bakit ngayon parang nanghihina ako? Parang hinihigop lahat ng lakas ko kapag katabi ko siya.

Hindi ko namalayang unti-unti na akong yumuyuko papalapit sa mukha niya...tungo sa mapupula niyang labi...para akong minamagnet nito...

konti na lang...ramdam ko na ang paghinga niya...

*ring ring*

Napamura ako sa isip at kumuyom ang kamao ko, ano bang meron ngayong araw at lahat ng bagay eh wrong timing?!

Napabalikwas agad ako at hinanap kung saan nanggagaling yung tunog. Binuksan ko yung bag ni Sammy at nakita yung luma niyang cellphone, tama nga ako, dun nangagaling yung epal na tunog. Tinignan ko kung sinong tumatawag...

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon