33

159K 1K 210
                                    

*****************************************SAMMY'S POV******************************************

June 05, 2012

"Samahan mo na ako sa loob Sander...pleassee..." pagmamakaawa ko kay Sander dahil nagpapakipot pa at ayaw akong samahan sa loob ng orphanage.

"Ayoko nga. Hinatid na nga kita hanggang dito tapos magpapahatid ka pa sa loob? Ano ako chaperone mo? Magtigil ka nga Pichu!" bulyaw niya sa akin.

Tsk. Nakasigaw na naman, nakakainis talaga. Napakabipolar ng mokong na 'to! Sarap ipahalay sa bakla dun sa kanto eh. Pssshh...

"Magpapasama lang naman eh...*pout*" nagpapacute pa rin ako para pumayag siyang samahan ako sa loob.

Sana umubra...sana umubra...*cross fingers* sana umubra!

"HINDE. A-YO-KO. Naintindihan mo ba? Tsk. Starfish." 

 

Tofu! Natawag pa akong starfish. Kabanas talaga...nagpacute ka na't lahat lahat wa epek pa rin! Ano ba 'tong lalaking 'to? Lalake nga ba talaga 'to? Daig pa baklang inagawan ng jowa sa sungit eh!

"Eh di kung ayaw mo, di wag." tsk. Ayoko na, suko na ako. Mababadtrip na naman ako pag pinilit ko pa siya.

Bumaba na ako ng kotse at kukunin ko na sana yung mga ice creams at cakes na nasa backseat ng biglang kinuha ito ni Sander at binitbit papasok ng orphanage.

Ako naman, eto gulat pa rin. Nakatayo pa rin ako at di makagalaw, nakakabigla naman kasi.

Si Sander? Pumasok? Bitbit? Cakes at Ice cream?Punta loob? Orphanage? Utal ako? Ano ako budoy?

Srsly. Napakabipolar niya. Ay napakaunpredictable din pala niya!

"Oh anong tinatayo tayo mo diyan? Akala ko ba nagpapasama ka sa loob? Halika na nga!" sabay hila sa kanang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng orphanage.

Sinalubong kami ng mga bata at nila Sister sa loob.

"Maligayang pagdating Ate Sammy at Kuya Sander!" masigla at sabay sabay na sabi ng mga bata.

Nakakaaliw talaga sila.

Nagsikainan na sila. Masayang masaya na sila kahit cake and ice cream lang ang dala namin. Kaming dalawa naman ni Sander ay nakipaglaro at nakipagkulitan muna sa mga bata doon. Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa mga batang 'to. Siguro kasi pareho na kaming mga ulila pero kait ganoon ay masaya naman kami atpuno ng pagmamahal at suporta mula sa mga tao sa paligid namin.

Nagpaalam na kami kayla Sister para umuwi at walang hanggang pasasalamat naman ang sagot nila sa amin. 

 

"Oh mga bata, aalis na sila Kuya Sander at Ate Sammy niyo! Magpasalamat at magbabye na kayo sa kanila!" utos ni Sister sa mga bata.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon